Natalisod sa Campaign Rally; Lola, Patay sa Bagok

DEAD ON arrival ang isang lola, nang idating ito sa isang pagamutan, matapos umanong mabagok ang ulo sa semento makaraang matalisod habang nasa kainitan ng campaign rally sa Brgy. San Pablo, Narvacan, Ilocos Sur.

Sa report ng mga pulis, nanonood ang biktimang si Lola Dolores Raper, 65 anyos, residente sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nasa kainitan ng programang inorganisa ng mga opposition candidate na pinangunahan ni Tagudin Mayor Roque Verzosa, tumatakbong gobernador, nang sumama ang pakiramdam ni Lola.

Nabatid na pauwi na sana ng bahay si Lola Dolores nang aksiden-teng  matalisod sa isang kanal na naging dahilan ng pagkakabagok ng ulo nito sa semento.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.