Natakot sa protesta ng mga Muslim Dingdong Dantes-Kylie Padilla teleserye, ipinatigil ng GMA!

NAGBIGAY NA kanilang official statement ang GMA Network, Inc. tungkol sa pagpapatigil nila for the meantime ng bagong drama serye sana nina Dingdong Dantes at Kylie Padilla na Haram na ang ibig sabihin ay forbidden love ng isang Muslim girl at Christian soldier na ididinirek sana ni Maryo J delos Reyes mula sa script ni Aloy Adlawan.

Gusto sana ni Direk Maryo J. at ng GMA-7 na mai-promote ang better understanding and mutual respect among people of various faith tradition.

Anyway, narito ang official statement ng Kapuso Network: “Because of the current tense atmosphere all over the world and in solidarity and in respect to the entire Muslim Community. GMA-7 has decided it is best to shelve Haram for now. We hope for everyone’s understanding.”

Kaya naman ngayon ay ngarag ang production staff ng Temptation of Wife na pagbibidahan nina Marian Rivera, Dennis Trillo, Glaiza de Castro dahil ito ang ipapalit sa timeslot ng Haram sa October 22.

 

SINABI NI Vice Ganda sa presscon ng This Guy’s In Love With You Mare na naiilang at natatakot  siya kay Ai-Ai delas Alas, kung sakaling ito ang makakasama niya sa Sisteraka.

Nang makarating kay Ai Ai ang pangamba ni Vice kaagad itong nagpahayag na walang dapat ikailang o ikatakot si Vice Ganda sa kanya dahil nagkaayos na sila at tiniyak pa ni Ai-Ai na tatanggapin niya ang project na pagtatambalan nila ni Vice.

“In fairness, mabait naman siya (Vice) sa akin. Hindi naman kami mag-aaway. Okey na kami. Wala na siyang magagawa. Gagawa kami ng movie at titiisin niya ako,” pabirong pahayag Ai Ai sa pangamba ni Vice.

Samantala, ayaw patulan ni Vice ang tsikang galit sa kanya si Ate Gay. Wala naman daw siyang nalalaman na nagawang kasalanan at galit siya kay Ate Gay.

Nangako na lang si Vice na sasagutin niya lahat ng mga paratang sa kanya ni Ate Gay pagkatapos ng concert or show ng huli.

Basta nagsabi na lang si Vice na kung kailangan daw ni Ate Gay ang tulong niya para maging successful ang nalalapit na show ni Ate Gay ay nakahanda siyang tumulong.

PAGLULUTO NAMAN ang aatupagin ni Regine Velasquez simula sa Sabado bago mag-Eat Bulaga para sa bago niyang morning cooking show na Sarap Diva.

Sa launching ng Sarap Diva ay ipinagluto ni Regine ang mga imbitadong entertainment press ng kanyang isa sa specialty na pasta na kung tawagin niya ay Putanessca.

Aminado naman ang Songbird na hindi siya dati marunong

magluto. Nagkainteres na lang daw siya magluto nang mag-asawa na sila ni Ogie Alcasid dahil gusto niyang magpa-impress sa husband.

Lahat naman daw ng iluto niya ay nagugustuhan ni Ogie at kapag medyo ‘di raw type ng husband ay sinasabi naman daw kaagad ni Ogie na kulang sa ganito at ganoon ang timpla.

Bago maintriga si Regine na baka sinasapawan niya ang master kusina ni Chef Logro sa cooking show rin nito sa GMA-7, ipinagdiinan ng Songbird na kaiba naman cooking show niya sa Kusina Master.

Sa kanyang show raw kasi ay may mga guest siya na celebrity na mahusay magluto na magbibigay sa kanya ng tips ng lulutuin.

Samantala, naitsika ni Regine na naging masaya ang pagpunta nila ni Ogie at anak nila na si Nate sa Canada. Nagbonding daw nang husto ang anak nila ni Ogie na si Nate sa dalawang anak ng singer/actor kay Michelle Van Eimeren.

Tuwang-tuwa at laging kinakarga nga raw ng dalawang anak ni Ogie kay Michelle si Baby Nate. At sangkatutak na damit naman ang iniregalo ni Michelle sa anak nila ni Ogie.

Super saya nga raw sila at tunay na bonding ang naganap.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

6 thoughts on “Natakot sa protesta ng mga Muslim Dingdong Dantes-Kylie Padilla teleserye, ipinatigil ng GMA!

  1. Bat la ako narinig na press release Kung blockbuster ang movie ni Aga at Regine?
    Sa sobrang flopsina di ko maalala ang title. Hahahaha

  2. Tanga si Kylie panget??? Kung panget yan wala ng maganda sa mundo. Super ganda nya nakita ko na sa personal. Parang model sa nga signature brands like versace,Dolce Gabbana mga ganyan ang level. Bat si bea Alonzo kapatid ba yan ni Ai -Ai de las alas pareho silang babalu. Si Angelica na laspag na at si kim chiu na at lalim ng kili kili mukhang bangkay ewww. si Sarah geronimo na pinatagus ang ilong kaya nagmukahang tao mukhang ulikba dati yan ha… at ikaw alam ko chake ka rin noh… Artista ng GMA wow puro kagaganda ….

  3. SUS NAKIRIDE PA TONG KAPUCHO PUCHU NETWORK SA ISYU N G MGA MUSLIM KAYA DAW DI ITINULOY WEEEEEHHHHHH LOKOHIN NYO SARILI NYO MGA TIMANG! ANG SABIHIN NYO SA SIMULA PALANG WALA NANG CHEMISTRY YANG MGA STARLETS NYO AT PURO MGA RECYCLED LANG ANG MGA LEADING MAN NYO MGA UGOK 3 LANG NAMAN LAGIN IPINAIIKOT IKOT NYON LEADING MAN SI DENG DUNG SI DENNES AT SI RETSARD NA KRIMINAL! FOR SURE KASI FLOP YANG NILULUTO NYONG WALANG KWENTANG SERYE DAHIL KILALA NAMAN ANG ISTASYON NYONG WALANG KWENTA ANG MGA ISTORYA AT DRAMA AT BABOY BABOY ANG MGA STORY LINE KAYA TAKOT KAYONG MAPUNA YANG SHOW NYONG BABOY! MGA HUNGHANG!

    • IKAW WALANG PAKI ANG HUNGHANG, LAHAT NG MGA TELESERYE SA PILIPINAS PINAIIKOT LANG ANG ISTORYA. ISA KANG MALAKING TANGA!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.