Natagpuang patay sa ilog
Misis, Halos Putol na ang Ulo

PATAY NA nang matagpuan sa ilog ng Purok 7, Barangay Taguibo, lungsod ng Butuan ang isang 20 anyos na misis kung saan halos maputol na ang leeg nito.

Isang grupo ng kabataan ang nakakita sa bangkay ng biktima na nakilalang si Mayflor Pinote, live-in partner ni Dolmar Pinote, 25, at mga residente ng nasabing lugar.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, napag-alamang nagpunta sa ilog ang biktima upang maglaba ngunit natagpuan na lamang itong patay at may dalawang taga sa kanyang likod at sa kanyang leeg.

Sinabi ni SPO1 Arnel Gonzaga ng Butuan City Police Station 3 na isinailalim na sa autopsy ang biktima upang malaman ang lalim ng mga sugat nito at nakumpirmang hindi ito napagsamantalahan.

Nabiyak pa ang palo-palo ng biktima, kung saan pinaghihinalaang nanlaban ito sa suspek, dagdag pa ng opisyal.

Samantala, nanawagan ang imbestigador sa mga testigo na magbigay ng impormasyon upang makilala at mahuli ang salarin habang patuloy ang kanilang imbestigasyon sa naturang insedente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.