NAST-DOST Academician at National Scientist, 2013 Ramon Magsaysay Awardee

GINAWARAN NG para-ngal ng prestihiyosong Ramon Magsaysay Awards ngayong taong 2013 ang isang Pilipinong doktor na bukod sa isang miyembro ng National Academy of Science and Technology (NAST) ay isa ring National Scientist.

Isa sa limang binigyan ng parangal si Dr. Ernesto Domingo, 76 taong gulang buhat sa University of the Philippines-Manila kasama ang Grupong Komisi Pemberantasan Korupsi ng Indonesia, Gng. Lahpai Seng

Raw ng Myanmar, Gng. Habiba Sarabi ng Afghanistan at Grupong Shakti Samuha ng Nepal.

Isang masugid na nagsusulong ng universal health at kalusugang para sa lahat lalo sa mahihirap, bilang doctor, aniya ang una sa lahat ay ang kapakanan ng kanyang mga pasyente lalo ang dukha. Kahanay ng mga dakilang grupo at mamamayang Asyano na kapwa nagwagi sa itinuturing na katapat ng Nobel Prize, ginaganap ang paggawad kasabay ng kaarawan ng dating Pangulong Ramon Magsaysay.

Ginanap ang pagkilala sa Cultural Center of the Philippines Tanghalang Nicanor Abelardo. 1992 siya naging miyembro ng NAST at May 2010 naging National Scientist.

(MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.