Nasobrahan sa alak; Korean, nanakawan

DAHIL SA sobrang kalasi-ngan, isang Korean national ang nanakawan sa Station 2, Brgy. Balabag,  sa isla ng Boracay, Aklan.

Ayon sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), hiniling ng 29-anyos na dayuhan na huwag nang isapubliko ang kanyang pangalan.

Base sa report, nasobrahan ang Koreano sa pag-inom ng alak kaya nakatulog ito sa gilid ng baybayin.

Mabilis namang sumalisi ang isang lalaki at kinuha ang bag ng biktima na naglalaman ng cellphone, tinatayang P2,000 na cash at iba pang mahahalagang gamit.

Nagkataon namang may nagpapatrolyang pulis at naaktuhan ang pagnanakaw kaya nadakip ang suspek na kinilalang si Efren Garcia, residente ng Brgy. Bakhaw, Jaro, Iloilo, City.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.