Nasibak sa trabaho Kelot, Nagpakamatay Gamit Ang Sling Bag

NAGBIGTI ANG isang lalaking nawalan ng trabaho sa Sitio Cambiohan, Barangay Casili, lungsod ng Consolacion sa Cebu.

Nakilala ang naturang biktima na si Gerson Sasing, 24, binata at isang welder na nakatira sa nabanggit na lugar.

Ayon sa tiyuhin ng binata na si Danilo Tibon, pagkatapos nilang kumain ng hapunan, bigla na lang nawala ang kanyang pamangkin.

Nawalan daw ng trabaho ang biktima pagkatapos magsara ang kumpanyang pinagtatrabahuhan nito sa Davao at may plano sana itong magpakasal sa kanyang kasintahan pero nawalan ito ng trabaho kaya labis itong naapektuhan.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Consolacion Police Station na pinangunahan ni PO2 Jonasky Romero, ginamit ng biktima ang strap ng sling bag sa pagtali sa kanyang leeg sa sanga ng punong mangga. (PARAZZI

REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.