Nasecore, Humirit Kontra Power Hike

IGINIIT NG consumers group na National Association of Electricity Consumers for Reforms, Inc. (Nasecore) na kailangang magpatupad ng cease and desist order ang Energy Regulatory Commission (ERC) kontra sa pagtataas ng singil sa kuryente ngayong buwan.

Lumiham na ang Nasecore sa ERC na humihiling na pagpaliwanagin ang Meralco sa nakaambang power hike.

Sinabi sa sulat ni Nasecore President Pete Ilagan kay ERC Chairperson Zenaida Dukot na kailangang isailalim sa due process ang panibagong dagdag na singil ng Meralco na resulta ng pagbili ng mas mala-king suplay ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) kasunod ng malawakang brownout noong Mayo 8.

Samantala, dapat aniyang pigilin ang pagtataas ng singil habang sinisiyasat kung may sapat na basehan ang Meralco para ipasa sa konsyumer ang nawalang kita.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.