Nasasagasaan kasi ang mga kasunod na show Willie Revillame, nagtampo sa memo ng TV5?!

PAGKATAPOS NI SHARON Cuneta, isa kina Piolo Pascual, Coco Martin, Jericho Rosales, Jake Cuenca, Derek Ramsay, Sam Milby at Gerald Anderson ang nakatakdang lumipat sa bakuran ng TV5. Feeling ng aktor, napapabayaan na siya ng kanyang mother studio bukod pa sa hindi naaalagaan at kulang ang kanyang publisidad.

Sabi ng aming impormante, tatapusin lang nito ang kanyang napirmahang kontrata sa Dos at pagkatapos noon ay fly na ito sa bakuran ni Manny Pangilinan.

Samantala, mariing itinanggi ng kampo ni Sharon Cuneta na bilyon ang usapin sa ginawang paglipat ng Megastar sa Kapatid Network. Hindi raw usapin ang pera sa naging hakbang ng aktres.

“Kung pera lang, marami na niyan si Sharon, nagkataon lang siguro na mas maganda ang offer sa kanya ng TV5, pero non-exclusive naman siya kung sakali,” sabi sa amin ng aming source na malapit kay Tita Shawie.

Next year, mapapanood ang bonggang programa ni Sharon sa Singko na ngayon pa lang ay dapat na raw paghandaan ng Dos at Channel 7, dahil sobrang bongga nito at gagastusan nang todo ng TV5.

“Siyempre, Megastar ‘yan, ‘no?! Tsaka hindi naman siguro pipirma ng kontrata ang Megastar kung cheapy-cheapy lang ang project niya,” dugtong pa ng aming kausap.

Kahapon inaasahan ang close-door meeting (and contract-signing) ni Sharon sa mga big boss ng TV5. At sa mga sandaling ito, wala pa kaming nakukuhang impormasyon kung natuloy ang nasabing event. Tsuk!

 

SINABI NI GABBY Concepcion na hindi siya magpa-Pasko sa Pilipinas dahil gusto niyang makasama ang kanyang mag-ina sa Amerika.

“I think, second week of December, alis na ako. Kasi ang balak ko, du’n ako mag-Christmas sa States. Kasi siyempre, nandu’n ang family ko. Tsaka yearly ko namang ginagawa ‘yun,” pahayag ni Gabby nang makausap namin kamakailan.

Ayon kay Gabby, malamang ay maaga silang mag-celebrate ni KC Concepcion ng Pasko dahil pareho silang busy sa kani-kaniyang propesyon.

“Naiintindihan ko naman ang kalagayan ng anak ko, at the same time, naiintindihan din niya ako. Kaya siguro, ‘yung Pasko naming mag-ama, maa-advance na,” tumatawang sabi pa sa amin ng aktor.

Sa kabilang banda, sobrang saya ni Gabby dahil ang pelikulang Yesterday Today and Tomorrow nila ni Maricel Soriano ay nakatakdang maging kalahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.

“‘Yun lang, masaya na ako kaya sobra-sobrang gift na iyon para sa akin this Christmas,” pagwawakas ng aktor sa Pinoy Parazzi.

 

MARAMI ANG NAGTATANONG sa amin kung bakit nawala nang ilang araw si Willie Revillame sa kanyang programang Wil Time Bigtime. May nagsasabi sa amin na posibleng hindi raw nagustuhan ng host ang memo na ibinaba ng TV5, kung saan ay sinasabing maging sensitibo ito sa oras. Masyado raw kasing “nasasagasaan” ng Wil Time Bigtime” ang iba pang programa ng Kapatid Network.

Kung matatandaan, unang “naapakan” ng programa ni Willie ang Babaeng Hampaslupa nina Alex Gonzaga, Alice Dixson at Susan Roces. Tapos ang sumunod ay ang Sa Ngalan ng Ina ni Nora Aunor na lubhang napakaganda sana, kaya lang ay masyadong late nang naie-ere kung kaya’t hindi na ito napanood pa ang mga fans ng Superstar.

At ngayon ay ang Glamorosa nina Lorna Tolentino,Tonton Gu-tierrez at Alice Dixson na napakaganda. Pero dahil laging overtime ang programa ni Willie, hindi na rin ito napapanood ng mga tao sa tamang oras.

Marami ang natutulungan ng programa ni Kuya Willie, lalo na ‘yung mga kababayan nating kapus-palad. Pero sana, dapat ding isaalang-alang ng nasabing programa ang iba pang show ng Channel 5.

“Sobra kasing haba ng Wil Time Bigtime. Paano naman ‘yung ibang show? ‘Di ba ginastusan din iyon? Sayang naman kung hindi mapapanood,” sabi ng isang artistang nakausap namin. Tsuk!

 

More Luck
by Morly Alinio

loading...

52 thoughts on “Nasasagasaan kasi ang mga kasunod na show Willie Revillame, nagtampo sa memo ng TV5?!

  1. .alam neo masyad0 ky0ng mapanghusga..tignan nyo dn sarili neo..puro mali nlng nkikita neo..,,why d0nt you take d positive way..,,so it d0sent hurt inside..,, den u wil aprex8 d goodnes of every human being.

  2. bastos naman talaga iyang si Willie na yan. Tama lang na bigyan siya ng memo. Bakit di kaya ilipat sa mas late na oras ang palabas niya, tutal di rin naman dapat mapanood ng mga bata ang kalaswaan ng shows niya. Anong tulong ang binibigay niya sa mga tao? ang paasahin sila na mababago ni Willie ang mga buhay nila? Dapat sa show ni Willie ay ilipat sa alas 12 midnight at ang show naman ni Cristy ay tanggalin dahil sas pagmumukha niya nakakawalang ganang manood.

  3. ‎”” WHEN U R READING THIS DON’T STOP OR SOMETHING BAD WILL HAPPEN!! (SORRY ABOUT THIS) THIS GIRLS NAME SUMMER SHE’S 15 YEARS OLD AND HAS BLONDE HAIR, MANY SCARES, NO NOSE OR EARS…SHE IS DEAD. IF YOU DON’T COPY THIS JUST LIKE ON THE RING, COPY… N PASTE THIS ON 5 MORE SITES..OR..SUMMER WILL APPEAR ONE DARK QUIET NIGHT…WHEN UR NOT E……..XPECTING IT BY YOUR BED WITH A KNIFE AND WILL KILL U. THIS IS NO JOKE. SOMETHING GOOD WILL HAPPEN TO U IF U DO POST THIS TO 5 SITES

  4. pls stop insulting my boss, he is not doing anything wrong.he just want to extend his helping hand to the less fortunate.instead of pulling someone down,why cant we just be happy of what others has achieved. filipinos grow up,avoid crab mentality..if we still continue on doing this,our country and ourselves shall not succeed in any endeavor..

  5. ay naku willie…kaw na lage magaling,, kaw na laging may tamang rason,, kainis,, actually kaya ka lng nman gusto ng ibang tao dahil sa pera sa bagay pera nman talaga kailangan ngayon gayun pa man,, hindi ko gusto ang ugali mo sa telebisyon kaya di ko talaga pinapanood ang programa mo. lage ka kasi namamahiya ng mga staff mo ever since wowowee kaya from then on di na tlga kita pinapanuod yabang!!!!

  6. kalokohan at kagaguhan naman yung mga pangalan na posibleng lumipat sa TV5 dahil “DAW” napapabayaan ng dos ang career at hindi naaalagaan ang publicity. E sino sa kanila?? Lahat naman sila may upcoming shows at sikat na sikat ngayon. Ang makakapagpalipat lang naman sa mga yun e kapag inofferan ng milyon o bilyon.. Yun na naman ang dahilan sigurado. Dahil kung career ang iniisip nila, e para silang kumuha ng bato at ipinukpok sa sariling ulo kapag umalis at lumipat sa TV5 para sa teleserye na isang bwan at pag nag ending na e uulitin ng uulitin lang ulit.. parang Bangis, hanggang ngayon meron pa din. hahaha

  7. ano pa ba kayang estasyon ang tatanggap sa kanya? Channel 9? Channel 13? siguro duon siya bagay–Willie bulok!!!

  8. Sinabi ni cristy fermin sa juicy na yong contract daw ni Sharon ay one billion over 5 years daw pero mas malaki raw yong kay willie kasi ang kikitain raw ni Sharon sa 3 buwan ay equivalent daw sa kikitain ni Willie sa isang buwan lang. How stupid for Cristy to say that on national tv kasi parang pinagsabong niya na ang mga talents sa isang network, knowing Sharon is a very sensitive person, she would not like to hear those kinds of talks. Di ba isa sa mga inayawan daw ni Sharon sa ABS when she knew that Kris is making more than her daw and to think that Sharon is more senior than Kris when it comes to being in the showbiz. Talagang may tupak itong si Cristy. At agree ako kay EUSTAQUIA ng sinabi niya na:

    ” hindi po nakakaawa si puppy willie dahil yang sinasabi mong “efforts” nya ay bilyones ang kapalit nyan na kinita nya mula sa pangi-exploit sa kalagayan ng maraming mahihirap. Kung makapangwenta sya on cam, na kesyo sarili naman daw nya ngayon ang uunahin nya after giving so much of himself to the poor, ay parang hindi nya pinagkakakitaan ang programa nya on a larger scale. Kung makapagsalita sya on cam ay parang ang mahihirap pa ang may utang na loob sa kanya. Magkano lang ba pinakamalaki nyang naibigay sa isang contestant kung ikumpara mo ito sa bilyon-bilyon nyang kinita mula sa mga advertisers? Si puppy willie po ang dapat tumanaw ng utang na loob sa mga mahihirap na nagamit nya upang magkaroon ng marangyang buhay (magagarang bahay, mga mamahaling sasakyan at yate, etc.) habang ang mga natulungan nya kuno ay relatively barya lang naman talaga ang nakukuha. Ang pagtulong sa kapwa ng walang kapalit at hindi pinagkakakitaan tulad ng mga nagawa ni Mother Theresa ang syang tunay na pinagpala at kinalulugdan ng langit. Sincere charity works do not mean profits. What puppy willie does is simply business, very lucrative and profitable business”.

    INTELLIGENTLY WELL SAID BY EUSTAQUIA!!!!!!!!

  9. Dapat sa show ni WR sa umaga para masira ang araw mo! Kung gusto mong masuka at pumayat si WR ang panoorin mo. Grabe pulos poor lang naman ang watch that show.

  10. sosssss!!!!! gagalit kayo kay WR kung mag salita kayo parang alam na alam nyo tumulong sa kapwa BAKET ilan nb natulungan nyo kapwa nyo at makahusga kayo ubod ng sama un tao weyyyyy! sya ang malaking instrumento ng tv5 kya pumapayagpag ang nasabing network ky sa palagay ko approach lng at planuhin ang memo dahil sa oras ng WTBtym ay oras ng mahihirap na mangarap makaranas ng masarap na buhay na si Willie lng nakakatugon at nagaya lng nman sa kanya yang idea na yan kaya magtulungan na lng tyo mga noypi di puro satsat ng walang katuturan……

  11. mga ma’am at sir. Gustong gusto po ng hayop na iyan ang pinag uusapan siya. The more na tinutuligsa ang isang diyablo na katulad nya mas lalo naman siyang nag bubunyi pati na si cristy istapadora. deadma nyo na lang at kusang maglalaro iyan na parang langaw. kuha nyo?

  12. I agree with Ronnie.. Wolf who wants to bit us all.. Now Run Devil Run.. Willie might eat us alive , and broadcast what he did.

  13. ABS CBN created a monster and bit them and now TV5 is hoping that he will change but even if the wolf will wear a lamb skin, it still a wolf.

  14. @VONA, hindi po nakakaawa si puppy willie dahil yang sinasabi mong “efforts” nya ay bilyones ang kapalit nyan na kinita nya mula sa pangi-exploit sa kalagayan ng maraming mahihirap. Kung makapangwenta sya on cam, na kesyo sarili naman daw nya ngayon ang uunahin nya after giving so much of himself to the poor, ay parang hindi nya pinagkakakitaan ang programa nya on a larger scale. Kung makapagsalita sya on cam ay parang ang mahihirap pa ang may utang na loob sa kanya. Magkano lang ba pinakamalaki nyang naibigay sa isang contestant kung ikumpara mo ito sa bilyon-bilyon nyang kinita mula sa mga advertisers? Si puppy willie po ang dapat tumanaw ng utang na loob sa mga mahihirap na nagamit nya upang magkaroon ng marangyang buhay (magagarang bahay, mga mamahaling sasakyan at yate, etc.) habang ang mga natulungan nya kuno ay relatively barya lang naman talaga ang nakukuha. Ang pagtulong sa kapwa ng walang kapalit at hindi pinagkakakitaan tulad ng mga nagawa ni Mother Theresa ang syang tunay na pinagpala at kinalulugdan ng langit. Sincere charity works do not mean profits. What puppy willie does is simply business, very lucrative and profitable business.

  15. On the other hand, nakakaawa din naman si WR, that’s in spite of his efforts eh, palagi nalang nega ang dating sa marami, marami din namang natutuwa pero marami din ang naiinis…palagay ko baguhin na lang niya way niya on how to treat people well,,especially mga kasama niya sa show…and respect other shows as well…

    si Shalani, naman pls lang po paki tanggal na lang sa WTBT..so irritating pati hitsura..mukhang baklang nagpapaka babae na nag mamahinhin kahit hindi naman yata… anu ba? 

  16. NAKAIPON NA YAN NG MARAMING MILYONES AT KAYA NA NYANG MAPAG-ISA. WILLIE CHONG KUNG ANO MAN ANG DESISYON MO HUWAG KA NG BUMALIK SA TV. HUWAG MO NG ILABAS ANG MUKHA MONG UNGGOY SA TELEBISYON. HUMANAP KA NG LANG NG TAONG MAPANGASAWA MO. IPAGDASAL KA NAMIN AT SANA PO AY MAHANAP MO NA YONG HINAHANAP MO. 

  17. Sabi ko na nga ba e, tama ako sa hinala ko nong AKSIDENTEng nailipat ko yong channel sa TV5 at napanood yong usual monologue ni puppy willie sa show nya. Amoy na amoy ko na may tantrums sya when he told the audience about his planned vacation before the year ends to give time for his health at sa sarili daw nya blah blah blah… Ang unang pumasok sa utak ko ay malamang may nagawang mali kaya napagalitan ng TV5 management o di kaya may demands na hindi ibinigay ni MVP. I saw the same puppy willie in his usual antics, sort of threatening the mother station, if he is reprimanded or failed to get what he wants. Haaaaaay naku, puppy willie, deja vu at its worst. Sana maturuan ka na ng tamang leksyon, yong leksyon na hindi mo makakalimutan kailanman.

  18. kaibigan willie! nakuha mo na lahat sa mundong ito, sawa ka na ba? kung sawa ka na at walang direksyon ang buhay, oras na para pumasok sa pinto nang pang espirituwal. isang bagay lang ang dapat itanong sa sarili; “Ano ang ibig sabihin nang buhay?” (what is the meaning of life?)

  19. Grabe til now hinde pa riin nagbago si willie….dapat natuto na sya sa mga nangyari sa kanya na may sukdulan din ang pasensya ng tao….at ngayon uulitin na naman nya…and by the way as i remember nung nawalan sya ng show sa abscbn i think mtb pa yun nung na sibak sila alam ko ang pinuntahan nya ay gma7 at nagbalak mag apply na co host sa eat bulaga which is hinde sya tinanggap…mabuti pa sila bayani nagkaron ng show kahit paano sa 7.kaya i dont think so na paglumipat sya sa gma7 ay tatanggapin sya…..kung tangapin man sya eh hinde nya pwede gawin doon ang magfeeling bosing doon…kaya kung ako sa iyo kahit medyo boring ang show mo eh tumino ka na lang ng konti pwede naman maging magpakumbaba diba?,,,,,

  20. punahin nyo ang nagtatanggol kay willie, iisa lang…hahahah! cguro nga isa sya sa dancer na napahiram ng sasakyan (hindi bigay noh) kaya masyadong sipsep kay willie. o baka naman si cristy epal fermin toh!

  21. bkt nmn aabangan ng tv5 at gma ang bagong show n sharon sa tv5???hello ang boring nga nyang host sa biggest looser noh..uu magaleng xa umarte but it doesnt mean magaleng dn xa na host..at ska kahit anong laki ng artista ng tv5 kng ang mismong production d magaleng d yan mgrrate..please lang..wake up na!!!

  22. hoy marissa engot kaba isa ka cguro dun sa mga sumasayaw na labas tiyan para sa 5000 sa show ni willie , hinde na tampo yung ugali ni willie kayabangan na yan ayaw ng pinupuna sya feeling nya napaka perpekto nya tao kasi daw namimigay sya pera sa mahihirap , kung makapagsalita namn sya kala nya sya mayari ng tv5 at dapat sumunod sa kanya lahat ng artista dun hehehe si christy fermin lang naman puring puri dyan kay willie eh bakit di sila magpakasal

  23. isama na dapat ni sharon c KC pareho naman silang mag inang Oa mag host…hahahah weeh anosaveh?! show ni sharon c tv5? ewan ko lng kung mag rate yun hahahaha!!!
    oi  willie kahit kailang yang pagiging unprofesional mo ang mag hahatak sau pababa at yang kayabangan mo

  24. SI DEREK RAMSAY ANG LILIPAT SA TV5.. puro nlng movie ang projects nya, now both tv and movie wala na syang project…abangan yan…

  25. si cristy fermin kong makapanlait sa juicy ng ibang mga artista ganon ganon nlng..hahaha akala mu naman maganda xa at sexy..hahaha xa ang isa sa pinakapangit na tao sa shobiz…tapos fake pa xa at plastik non sobra kong tirahin si willie ngayon sobra kong sambahin si willie hahaha….baboy fakefermin..hahahaha

  26. willibog is untouchable in TV5  halos tingin na nya sa sarile nya  kanya na yun eh  lol wla na tau magagawa  ksi kaya nga paikutin ang mga  ng hihirap natin pilipino at yun advertiser  ok lng sakanila  kahit alam nila sama ugali ni wilibog as long n kikita ang ang bisnis nila ok lng  ganyan  tlaga ang buhay sa mundo  pera pera lng yan wlang personalan kaya mag sikap nlng tau pra sasarile natin  may hanganan din n mn ang pag sikat nya at d nmn nya madadala sa langit  este sa langit nga kaya  cia papunta ????? anyway maski tau d ntin alam kung  makakasama natin cia doon  hahahha 

  27. EH ANO BA NMN KAYO, KOMO BA HINDI SYA ANG MAY-ARI NG NETWORK NA YAN,WALA NA SYANG KARAPATANG MAGTAMPO, SA 22O LANG MAY K ARAPATAN SYA, DAHIL DALANG-DALA NYA ANG SHOW, IKA NGA KUNG WALA SYA SA SHOW NYA NA YUN, HINDI NMN AANGAT ANG SHOW NA YAN, AT SYEMPRE KUNG MAY MALI NMN ANG MEMO NG TV5,HINDI NMN MASAMANG PUNAIN NYA LALOT NAKAKASAGASA,BUTI NGA YUN EH ,HINDI KUNSINTIDOR SI WILLIE SA NETWORK NA PINAGTATRABAHUHAN NYA,

  28. umiral nanaman ang basurang ugali sa hinayopak na willie nayan..di na kayo mag taka dyan..ugali nya feeling sya na ang may ari ng station, ugaling walang pinag-aralan, nagkaroon lang ng pera pag umasta kala mo kung sino, marami mas mayaman dyan di naman ganyan ugali subrang yabang, nagulat kc sa pera palibhasay ngayon lang nakahawak ng pera, KUPAL

  29. Pansin ko lang, akala ko babae ang nasa picture. Si Willie pala. May lipstick kasi na obvious na obvious.

    ———————————————————————————————————————————

    si willie ba yan? o si fanny serrano? lol..

  30. yun din ang napansin ko, sobrang makeup at lipstick mo willie-boy o girl? bumibigay ka na rin ata, baka mamya ma-blind-item ka na ni cristi vermin nyan, hehehe.

  31. Pansin ko lang, akala ko babae ang nasa picture. Si Willie pala. May lipstick kasi na obvious na obvious.

  32. Ronnie, as Mariel puts it, Tamaaaaaaaaaaaah !. Mukhang deja Vu ng Wowowee. Nagtampo si Willie, nanakot na magwa-walkout, nagbakasyon, mga alipores niya, nagbakasyon rin indefinitely. Mariel. galing ng timing mo. Kumusta ang bakasyon ninyo ni Binoe ?

  33. Nagpapansin lng yan dahil bagsak ang ratings ng show nya at kung di rin mga kumpanya nila MVP, Manny Villar at yung Globe Asiatique na may kaso, wala syang suportang makukuha,

    Dedmahin at tigilan na ang pagsusulat tungkol sa isang taong wala naman kuwenta.

  34. for clarification: si Willie ang tinutulungan ng mga kapus palad dahil sila ang ginagamit nya para makahikayat ng mga advertisers. paano mo hahangaan ang isang taong hambog na dinadaan lahat sa pera, kung walang mahirap na nagpapagamit, walang Willie Revillame at mga milyones nya. subukan nyang hindi magbigay ng pera at talagang entertainment lng gawin nya tapos yung mga donasyon nya idiretso nya sa mga ahensya ng gobyerno hindi yung parang sa kanya galing ang pera na hindi naman totoo. Magpakatotoo ka willie, hindi ka makkabili ng puesto sa langit kahit nasa na lahat ng yaman sa mundo.

  35. Bakit, ka ganun willy????   parang di ka na nakatapak sa lupa….. nagkapera ka lang kaysa dati. Tandaan mo dapat unawain mong may damdamin din ang ibang tao tulad mo.  Di lahat ay natatakpan ng pagtulong mo ng materyal…. mahalaga pa rin ang paggawa ng mabuti na walang hinihintay na kapalit.  At ang nagawang mabuti ay hindi dapat sinasabi pa.

  36. o ngayon,,,nagtampo na naman siya tapos hamunin at magwalkout vat magsakit-sakitan na naman siya.Suwayin na naman niya sina Vic del rosario na manager niya at big bosses ng tv 5 …mahiya ka naman willie …lilipat ka na naman sa GMA 7 …? Sige lumayas ka kung gusto mo isama mo pa si Cristy Fermin at Shalala…

  37. naku…di dapat maging balat-sibuyas si Willie dapat marunong din siyang umunawa at mapagbigay sa ibang shows .Di ba matulungin siya kaya nga maraming natutulungan siyang mga tao sa programa niya.Ang mga shows ng  mga artista na kapatid din naman niya ayaw niyang maging masaya at umangat naman. Tulad ng Sa ngalan ng ina …lampas 10 ocklock na napanood noon .Diyos ko tulog na ang mga matatanda niyang mga fans…Sana maging sensitive naman siya huwag pikon at adelantado at hambog…

  38. Hindi porke’t tumutulong ang programa mo eh may karapatan kang mag overtime, at wala ka rin karapatan magtampo. Hindi ikaw ang may ari ng TV5, magtayo ka ng sarili mong istasyon tutal mayaman ka naman ULOL! Tanga tanga ng mga hosts mo walang ka talent -talent, at ngayon pati si camille villar.

Leave a Reply

Your email address will not be published.