Nasasabihan daw ng lahat ng problema
Kim Chiu, bestfriend lang ang turing kay Xian Lim?!

HUMAHATAW SA ratings ang teleseryeng Ina Kapatid Anak na talaga namang pinag-uusapan at sinusubaybayan ng publiko ang bawat kaganapan sa buhay nina Celyn (Kim Chiu) at Margaux (Maja Salvador). Patindi nang patindi ang mga eksena na may kasamang sumbatan, iyakan at sampalan ng mga karakter. Patuloy sa pagiging pasaway si Margaux sa kanyang magulang habang nagiging palaban na sa kanyang karapatan bilang anak ang dating matiising si Celyn. Hanggang saan hahantong ang iringan ng magkapatid at ng kani-kaniyang kinagisnang pamilya?

Kaya naman hindi rin maiiwasan ang mga balitang nagiging totohanan na ang iringan nina Kim at Maja sa mga eksena. Tulad ng kanilang mga karakter ay may pinagdadaanan din ngayon ang dalawa sa totoong buhay sangkot si Gerald Anderson na nali-link kay Maja.

Diumano ay nag-walkout si Kim matapos kunan ang sampalan nila ni Maja sa set. Kim recently clarified the issue when she was interviewed by MJ Felipe of The Buzz. “Umalis ako pagkatapos ng take kasi tapos na. Bakit naman ako magwa-walkout kung hindi pa tapos? Tapusin natin saka tayo umalis.” Take one lang daw ang eksena. Ayon pa sa kanya ay propesyonal sila ni Maja at ginagawa lang nila kung ano ang hinihingi ng script sa kanilang mga karakter.

She may be relentlessly badgered by intrigues pero mas nangingibabaw ang mga suwerteng dumarating ngayon sa buhay ni Kim. She has many things to be grateful for. Una na rito ang patuloy na pagtaas ng ratings ng Ina Kapatid Anak na kailan lang ay umabot ng 40.4%. Kuwento ni Kim, “Hindi naman kami nag-e-expect pero pinagdarasal namin. Iba pala iyong feeling na umabot sa ganoon. Ito lang iyong first teleserye ko na umabot ng 40%.”

Kim works hard and invests her money well. She recently opened a bakery together with her sister.

It seems everything is going well between her and Xian Lim. “Siya iyong taong full of surprises. Nag-Subic din siya. Sabi niya may shoot daw siya roon. ‘Punta kayo. Dalaw kayo sa Subic Yacht Club.’ Sabi ko, ‘Anong me-ron?’ Sabi ko sige. Noong pagpunta may pa-yate si Kuya. Nagulat naman kami. Nakakatuwa kasi may bagong experience kami. ‘Di ko pa nararanasan iyong ganoon. Natutuwa ako kasi dumadaan talaga siya sa tamang way na iparamdam sa babae.”

So what’s the real score between them? Dahil sa sobrang closeness nilang dalawa ay marami tuloy ang nag-iisip that they are more than friends. “Siguro siya na iyong masasabi kong bestfriend ko, iyong taong masasabihan ko ng lahat ng problema ko.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

13 thoughts on “Nasasabihan daw ng lahat ng problema
Kim Chiu, bestfriend lang ang turing kay Xian Lim?!

  1. KASI NAMAN MAY IBANG NANLILIGAW KAY KIM CHUI AT SI XIANA AY AMOY MALANSA KAYA HANGGANG FRIEND LANG SILA NOH!

  2. LOL! Haltang promo ung loveteam nila, dipa daw nararanasan ni Kim ag yate.. HAHA! EH ANO UNG PICTURE NA LUMABAS NUN NA MGKASAMA KAU NI GERALD NA NKA YATE?? HAYY,, KI, WAG KNA MAG DENY, HINDI NAMAN TLAGA KAU AG SHOTA NI XIAN EH, AND I DOUBT KUNG MGIGING KAU, PAMINTANG DUROG YANG SI XIAN EH.. HAHA! DIBA ENCHONG? PIOLO? LOL!

  3. Mr Abunda, sana maging fair naman kayo kay Kim masyado kayong obvious na binabaliktad niyo sa kanya ang maling nagawa ng fave niyo.Kim doesn’t deserve that kind of treatment,she’s well-loved by the people because she’s BEAUTIFUL INSIDE & OUT…kahit anong gawin niyo paglilinis ng image ni Anderson & Maja at Kim’s expense,we’re smart enough to know the truth & what’s scripted & who needs image cleansing or damage control for whom…speaking about REPUTATION Kim has a good reputation eversince & sad to say your fave Gerald Anderson & Maja Salvador have a bad reputation dati pa so wag niyo baliktarin kay Kim…sa ginagawa niyo mas napupunta ang sympathy kay Kim coz she’s known for being a good person,a good role model,tranparent one or always being truthful ang pagkakaiba lang ngayon & good thing that she speak her mind now.

    • wala namang binaligtad si boy sa article niya, yun naman talaga ang sagot ni kim diba. I don’t see anything wrong with what’s written here. Positive naman lahat ng naka sulat. sobra naman ang pagka fantard mo, ang layo ng isip

    • hay naku may fans dito ni kim na nagbubulag bulagan hehe sinisisi pa si boy abunda bias daw sa estado ni boy abunda di nya kailangan gumawa ng kwento icon na yan kumpara kay kim na pa sweet kuno sa harap ng camera pero maldita sa totoong buhay.

  4. WHAT IS THERE NOT TO LIKE ABOUT XIAN LIM? DEVAH? EH KASI NAMAN, GIMIK LANG ANG PANLILIGAW NI XIAN KAY KIM. AMININ…SINO KAYA ANG TYPE NI XIAN?

    • Bakit? Kelangan ba nila umamin na sila na? Huwag pilitin kase. Hayaan na. Kung gusto nila gumimik eh di sana sinabi na nila na SILA NA. Analogy101

      • LOL. TAGAL NAMANG LIGAWAN YAN. 2 YRS NA HA, GOING ON 3. HAHAHA. OBVIOUSLY, GIMIK LANG NAMAN ANG LOVE NG 2 KUNO. BASKETBOLISTANG TAGA LASALLE ANG TYPE NI KIM. SI XIAN…HMMM. MA! HAHAHA

  5. Sino kaya ghost writer ni Boy Abunda? Masyadong late lagi mga chismis nya kahit sa Philippine Star. Hinihintay pa kasi matapos ang The Buzz bago i-release ang article, kaloka much! Valentines pa ang issue, e anong petsa na hehe!

    • Super delayed na to. Give them a break, Boy Abunda/ghoswriter. Kim and Xian are just happy the way they are. With or without the camera on them.
      By the way, don’t lift Maja’s image (in the Buzz) at Kim’s expense. All that Kim said was “nasayang ang friendship”. Kim let go of the friendship for the sake of Maja’s happiness with Gerald. Kim moved on already since 3 years back. She didn’t even reacted regarding  Bea, Pauline and Sarah. Kay Maja lang siya naka react because they’re “suppose to be friends”.
      If you like Maja and Gerald, then fine. We’re not going to watch the Buzz because you guys  are so bias.

      • Agree ako sa yo, Sherr.  Masyadong naging broken record ang hindi kapanipaniwalang organized demolition job nila against Kim,  gamit pa ang D’Buzz!  Yan, masisira tuloy ratings ninyo kung icontinue ninyo itong clear favoritism ninyo.  Love po  si Kim ng maraming tao, young and old and even by celebrities. Hinay hinay lang kayo.

        Sabi  ni Xian, “What you see is what you get”…happy lang sila kung ano man ang meron sila, sabi ni Kim.

        ABS-CBN’s prized talent na si Kim Chiu  nasa chopping block para iangat si Maja?  Magsumikap ka ng sarili mo Maja!  

        Sinama pa si Erich. Okay ka rin Boy Abunda, no?  Si Bea noon na directly involved kay Gerald ni hindi mo mainterview.  Anong ibig sabihin nito?  Siraan talaga si Kim?

        Kakakatapos lang ni Kim as host with Piolo P. and Iza C.  Another feather to her cap! Mahirapan kayong magpatumba kay Kim, isang mabait, humble at seryosong artist sa kanyang craft na merong solid fangroup!  Nagpakabait lang po si Kim!  Kakampi nya ang Diyos! Sana magpakabait  na din kayo!   Go Kim!

Leave a Reply

Your email address will not be published.