Nasakal sa Problema sa Asawa; Mister, Nagbigti

HINDI NAKAYANAN ng isang mister ang problema sa asawa at nasakal na ito na naging dahilan upang wakasan ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti Caloocan City kamakalawa ng tanghali.

Wala nang buhay nang idating sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Joel Mancillia, 32, ng 2nd Avenue ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:10 ng tang-hali nang makitang na-kabigti ng electrical cord si Mancillia sa loob ng kanilang bahay ng kanyang nanay na si Leticia, 60.

Humingi ng tulong si Leticia upang makalag sa pagkakabigti ang anak bago dinala sa naturang pagamutan.

Ayon sa mga kaanak ng biktima palaging nitong idinadaing na problemado siya sa kanyang asawa, subalit hindi na rin sinabi kung ano ang problema nito.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.