Nasagi ng cargo truck, dedo sa pagsalpok sa jeep

PATAY ANG isang motorista nang humampas ang ulo nito sa konkretong semento ng kalsada makaraang sumalpok sa pampasaherong jeep nang masagi ng cargo truck sa Imus, Cavite.

Kinilala ang biktima na si Ricardo Ordiz, Jr. y Udarbe, residente ng BN6 L-1, Bgry. San Francisco, Dasmariñas City.

Arestado naman ang suspek na si Manuel Odena Y Malto, nasa hustong gulang at residente ng Sitio Bueno, Barangay San Roque, Antipolo City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Bernard Palanca, dakong alas-9:30 ng umaga habang binabaybay ng biktima ang kahabaan ng Aguinaldo Hi-way, Brgy. Anabu sakay ng Kawasaki Fury na may plakang 7119 WD.

Kasabay nito ay tumatak-bo rin ang suspek sakay ng minamanehong cargo truck na may plakang XHY- 324, nang bigla na lang masaltik nito ang motorsiklo na sa lakas ng impak ay nawalan ng kontrol ang motorsiklo.

Dito na sumalpok ang biktima sa kaliwang bahagi ng pampasaherong jeep na minamaneho ni Allan Naquita ng Sta. Lucia, Dasmariñas City.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima at dito na humampas ang kanyang ulo sa semento bago tumilapon saka namatay. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.