Nasa Switzerland na
Sarah Lahbati, tinulungan ni Annabelle Rama na makaalis!

AYAN NA, ‘day! Umalis na pala si Sarah Lahbati patungong Switzerland kasama ang Mommy nito.

Nu’ng Linggo lang sila umalis at tinulungan nga sila ni Annabelle Rama na umalis dahil natatakot daw sila at baka may hold order daw ito dahil sa mga kasong isinampa laban sa young actress.

Si Annabelle na ang nagkumpirma nang tinawagan ito ng Startalk reporter. Kaagad daw siyang bumalik ng Maynila para tulungan nga ang mag-ina na makaalis.

Kuwento pa ni Bisaya, nang naayos na niya at naihatid na niya sa pre-departure area ang mag-ina, nakausap daw niya ang anak niyang si Richard Gutierrez at parang kagagaling lang daw nito sa iyak.

Naawa naman daw siya sa anak niya at kay Sarah pero wala naman siyang magagawa, kaya tinulungan na niya ito.

Sinagot na rin ni Annabelle ang tungkol sa isyung buntis, kasi talagang wala naman daw siyang nakitang sign na buntis nga ito.

Nahihiya naman daw siyang magtanong sa anak niya at baka sabihan daw siyang pati ba naman siya naniniwala sa ganu’ng tsismis.

Kung napanood ‘nyo ang Indio na nagsimula nu’ng kamakalawa lang, kapansin-pansin na parang ang laki ng tiyan du’n ni Sarah.

Sabi ni Annabelle, kagagaling lang ng bakasyon nu’n ni Sarah at pati na rin si Richard kaya medyo mataba ito nu’ng kinunan ang eksenang ‘yun. Pero ngayon pumayat na si Sarah at wala raw talaga silang nakikitang may sign ito nang pagbubuntis.

Eh, malalaman din naman natin ‘yan kaya tingnan na lang natin.

Hindi lang natin alam kung ano na ang mangyayari sa isinampang kaso laban sa young actress dahil nasa Switzerland na ito.

 

IN FAIRNESS, maganda ang feedback sa Indio na nagsimula nu’ng Lunes.

Wala pa akong balita sa ratings, pero siguro mataas ‘yun dahil maganda at ang daming pumuri, huh!

Hindi pa napapanood doon si Bong pero naaliw na ako du’n sa sanggol na Indio na nagpakita na ng lakas.

‘Yung batang si Vincent Magbanua ang gaganap na batang Indio at nu’ng binatilyo na ito, si Alden Richards ang gaganap.

Siguro bago matapos ang linggong ito, lalabas na si Bong. Kaya medyo kabado na siya, pero mas lamang ang excitement kasi maganda ang mga feedback na nakarating sa kanya.

Sana nga tuluy-tuloy ang pagsubaybay sa Indio kasi talagang ginastusan ito nang husto ng GMA 7.

Ito ngayon ang pinakamalaking project na ginawa ng GMA 7 ngayong 2013.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

4 thoughts on “Nasa Switzerland na
Sarah Lahbati, tinulungan ni Annabelle Rama na makaalis!

  1. Akala ko pa naman mag ala DARNA and the GIANTS siya– SUS!! Bilis kasing bilis ng lipad ng nanananggal papuntang Sweechserland— manigas ka sana jan sa super ginaw. She has no one to blame but herself– not GMA, not Annabel Rama, not ICONS– 19 na yan, may utak! Unfortunately utak alamang ang laman!

  2. akala koba handang harapin at labanan ng babaitang kokak na ito angmga akusasyon  sknya atza daw ang nasa tama bkit tumakas ang bruhilda hnggng salita lngpala… dapat kasuhan din tong anabel bilbil ng conspiracy kc za ang ngpatakas!!!