Napupuntahan ng Buwis, Ipakita sa Website – Santiago

NAGPANUKALA SI Sen. Miriam Defensor-Santiago ng isang website ng gobyerno kung saan ipapakita nito kung paano ginagastos ang buwis na nagmumula sa publiko.

Inihalimbawa ng mam-babatas ang pinasimulan ni US President Barack Obama na data.gov. Dito, nakalagay ang mga datos na maaaring ma-access ng publiko.

Gusto ni Santiago na ilagay sa website, hindi lamang kung paano ginagastos ang pork barrel sa mga proyekto, kundi maging ang iba pang discretionary fund ng mga public official at iba pang sources of income.

Bagama’t may website na ang Department of Budget Management (DBM) na nagpapakita ng mga impormasyon sa pork barrel o priority development assistance fund (PDAF), hindi aniya ito sapat.

Sinabi ng senadora na patunay na lang dito ang nabunyag na umano’y multi-bilyong pork barrel scam kung saan idinadawit ang ilang mambabatas.

Ayon pa kay Santiago, dapat ay mas kumprehensibo ang mga impormasyong inilalagay sa website.

Samantala, muling nanawagan ang mambabatas sa pagsasabatas ng Freedom of Information (FOI) bill.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.