NAPUPULITIKA ANG RELIHIYON?

MINSA’Y NAG-SPONSOR NG skills training ang isang ahensiya ng gobyerno natin na may kinalaman sa manpower training. Anak ng isang kilalang lider ng isang relihiyon ang hepe ng ahensiyang ito. Nang sinubukan kong magrehistro para sa isang kurso nila, hindi ako nakapasok dahil sabi ng coordinator ay hindi ako miyembro ng kanilang simbahan. ‘Di po ba discrimination ito?—Donna ng San Ildefonso, Bulacan

TALAGANG DISCRIMINATION ‘YAN! Ayon sa ating Saligang Batas, ang gob-yerno ay walang pipiliin sa aabutan ng biyaya nang batay sa relihiyon, kasa-rian, o paniniwalang pampulitika. Sana mabasa ito ng ahensiyang tinutukoy mo at masagot nito agad ang akusasyon mo kung totoo.

INUTIL ANG POEA, OWWA, DFA ‘PAG WEEKEND?

‘Di po ba puwedeng magbukas ng opisina ang POEA, OWWA at DFA nang pitong araw at beinte kuwatro oras? Magkaiba po kasi ang oras at araw rito at sa abroad. Minsan kasi ay nagka-emergency ang asawa ko sa abroad at nang tawagan ko ang nasabing mga ahensiya, security guard ang sumagot at maghintay raw ako ng Lunes. —Donn ng Bacoor, Cavite

DAPAT LANG ‘YAN. Nagagawa nga ng mga call center ‘yan bakit ‘di magagawa ng mga ahensiya? Kahit man lang skeletal force ay magdestino sana sila ng mga opisyales na haharap sa mga emergency. At sana ‘yung makapagdede-sisyon agad. ‘Di kayang desisyunan ng mga security guard ang ganyang mga problema.

Para masulit naman ang $18.8 bilyon na iniuwi ng mga OFW sa bansa noong 2010.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO!

Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanu-ngan na may kinalaman sa OFW o iba pang usa-ping legal sa:

PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)

O kaya’y mag-e-mail sa omecandazo@yahoo.com

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.