Napuno na si Ate Cristine Reyes, idinemanda na ni Ara Mina!

HINDI MAGANDA itong nangyari kina Ara Mina at Cristine Reyes na uma-bot na sa demandahan ang away nila, ha?!

Kasong Libel at Grave Coercion ang isinampa ni Ara na kaso laban kay Cristine na ikinagulat ng lahat dahil wala itong sinabihan kahit ang Mommy nila.

Parehong nasa Viva ang magkapatid na ito at hindi nga raw ipinaalam ni Ara ito sa Viva dahil tiyak na pipigilan siya.

Pero punung-puno na raw si Ara kaya naisipan niyang idemanda ang sariling kapatid para mabigyan daw ito ng leksyon.

Hindi na raw niya kinaya ang mga paninira na itini-text ni Cristine sa kanya at pati raw sa mga kaibigan nila ay sinisiraan siya.

Wala nga raw siyang damages na hinihingi sa demandang ‘yun. Ang gusto lang daw niya ay mabigyan ng leksyon itong kapatid niya.

Kaya lang hindi naman yata magandang pagbibigay ng leksyon dahil talagang nagkasiraan na kayo sa publiko.

Ang pangit pa ng pinanggalingan ng away nila dahil lang sa pera.

Ang kuwento, sinisingil daw ni Cristine si Ara ng isang milyong ibinayad sa bahay na binili nila para sa kanilang Mommy.

Nakapangalan daw kay Ara ang bahay na ikinagalit daw ni Cristine dahil siya naman daw ang nagbigay ng downpayment na isang milyon, pero si Ara ang nagbayad paunti-unti ng balanse.

Since na kay Ara nakapangalan, sinisingil daw ito ni Cristine na hindi naman binabayaran ni Ara.

Lalo pa raw itong nagalit nang nalaman niyang bumili ng bagong kotse si Ara, kaya kinukuha na lang daw niya ang kotse na ayaw namang ibigay ng ate.

Doon nagsimula ang kanilang away na lagi raw tini-text ni Cristine si Ara ng kung anu-anong paninira.

Pati raw ang kaibigan ni Ara na si Mayor Patrick Meneses ay nati-text daw ni Cristine ng mga paninira laban sa ate niya.

Hindi yata maganda, kasi lumalabas na anong klaseng magkakapatid itong dalawa.

Pera ang pinag-awayan na sa totoo lang, maganda naman ang career ngayon ni Cristine, at ang laki nang kinikita niya, ano ba naman itong isang milyon na sinisi-ngil niya na puwede naman niyang ibigay na lang o maghintay na lang kung kailan makakabayad si Ara.

‘Di ba blessings naman ‘yun? Dapat i-share na lang ni Cristine ‘yun dahil ano ba naman ‘yang isang milyon sa laki nang kinikita niya ngayon?

Ang hindi maganda diyan, magkapatid naman sila, maaayos naman sila, pero nagkasiraan na sa publiko. Parang ‘di ko type ‘yang mga pinaggagagawa nila!

Hay, naku! Panoorin n’yo na lang sa Startalk bukas ang interview kay Ara at kung ano ang masasabi rito ng Mommy Klenk nila! ‘Yun na!

PARANG HINDI yata tamang magtatalu-talo na naman ngayon ang mga fans nina Nora Aunor at Vilma Santos kung sino ang nararapat na National Artist.

‘Di ba dapat, bago sila mag-National Artist, si Mang Dolphy muna?

Matagal na ‘yan dapat na ibigay kay Mang Dolphy, bakit wala pa rin? Pagkatapos ngayon meron nang Nora Aunor at Vilma Santos na nila-lobby para sa National Artist?

Wala namang masama kung ibibigay ito sa dalawa, kung si Nora muna o si Vilma rin. Pero sana ibigay muna kay Mang Dolphy dahil siya talaga ang karapat-dapat sa ngayon.

Huwag na munang makigulo ang mga Noranians at Vilmanians dahil ibigay muna natin ito sa Comedy King.

Maganda namang tingnan na si Mang Dolphy mismo ang tatanggap, ‘di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

33 thoughts on “Napuno na si Ate Cristine Reyes, idinemanda na ni Ara Mina!

  1. maldita tlaga yang christine na yan andami nanyang inaway may topak ata sa ulo babaeng yan eh o di kaya adik.kahit sariling kapatid inaaway ang bastos pa ng pinagsasabi pra namang ang linis linis nya eh madami na ring lalaki dumaan sa kanya!

  2. Si Ara ang dapat idemanda ni Christine dshil inilabas nya ang private text niya with a purpose of destroying  Christne’s image. Iyak iyak pa kuno. Demonyita! Nakakainis! 

  3. si super klenk laos na kaya gumigimik eh mamaya kinuha lng nga alalay ni cristine reyes ung celfon ni cristine at nag text na ng kung ano ano tapos napagbintangan pa si cristine… kaya mag isip muna wait sa ilalabas na phayag ni cristine reyes… super ganda at sexy at super natural si cristine OK… kaya pag nagsalita na si cristine siguradong 22o kz di sya plastic. kaya abangan nyo mga tsupatid na kabadingan lng ang alam sa mundo

  4. ayan na naman kayong mga baklita sa showbiz at sa mga nag cocomment wala pa nga ung side ni cristine reyes nanghusga na naman kayong mga bakla sa mundo…… ang pinapanood sa tele serye ung ganda ng istorya at ang galing ng gumaganap wala na kinalaman ung personal na buhay kz kayo sa showbiz at nanood ng mga pinoy serye wala kz kayong mga breeding puro kabaklaan lng at kadatungan ang alam nya sa buhay…

  5. MAGKAPATID NA NAGLABASAN NG BAHO , NAKIKITA DITO KUNG PAANO SILA PINALAKI, INGITAN AT LAMANGAN. i think ara received what she gets now from her own sister. KARMA sa mga pinangagawa nya from her past..

  6. Ay naku kaya lagi silang away nang away ni Rayver dahil napakasama talaga nang ugali ni Christine Reyes….Poor Rayver napag-laruan…Siguro Rayver sising-sisi ka at pumatol ka sa isang sira ulong pares ni Christine Reyes…pero hindi bale…nag-sawa ka naman sa kanya hindi lang sa ugali pati sa kama…..Sige Ara ituloy mo iyan lagi ka na lang kina-kawawa nang very bad sister mong iyan …bigyan mo nang leksyon na matutong rumispeto hindi lang sa iyo ,lalung lalu na sa mother nyo…at sa ibang tao….

  7. Grabe na shock naman ako sa ugali ni Cristine. tama ba na pagsabihan nya ng ganun yung ate nya tsaka pera lang yan..andame ng nagpapatayan sa pera..madumi masyado bunganga ni Cristine! 

  8. Wala akong paki kung si cristine ay nasa show na Dahil Sa Pagibig. Pinapanood ko pa rin, yun nga lang, pina-fast forward ko kapag sila na ni piolo ang pinakikita. Halos lahat ng drama ng Dos ay magaganda kaya di ko nakakalimutan na i-record para wala akong ma-miss. kapamilya rocks, indeed!

  9. talagang mataas ang ratings ng walang hanggan dahil kahit gma shows ay di makaabante. Eat Bulaga and Walang Hanggan both have things in common. Wala pang nakatatalo sa kanila.

  10. May nag banggit ky kc kagaya raw kay ara nagbabasa kaba ng news tungkol s mga artista? Ang kaso ni cristine kay ara tungkol s utang! Ang kaso ni piola kay kc ang kabaklaan neya at pang gagamet sa babae kaya ang daming di nanonood ng teleserya nela dahil sa pinag gagawa nelang di maganda mas mataas pa ratings ng walang hanggan!

  11. mas bobo/boba at walang pinag-aralan ang nag-comment sa itaas ko na imoral raw ang mga talent ng Dos. Anong kinalaman ng Dos sa inasal ni cristine? Tinuruan ba ng Dos na umasal ng ganun si cristine? Di ba contract star ng viva si cristine? IMBECILE!

  12. Ay naku! Ayaw lang magbayad ng utang ni Ara. Kawawang Christine, biktima rin sya like PApa P. ewan ko ba sa mga Pinoy… Agad naniniwala sa drama ng ilan dyan like KC and Ara. 

  13. EWW!! Ang pangit nman pla ng Cristine n yan nuon??? Ang layo sa itsura nya ngaun ha!!! at in fairness mas maganda p pla tlga si Ara Mina sa totoo lang!!! Pango k pla nun Cristine ha!! hahahah….naloko mo ko dun ah

  14. Hindi rin namin pinapanuod ang dahil sa pagibig kasi si Christine ang nanduon. Nakakahinayang kasi magagaling na artista ang kasama sa teleserye. Ayaw namin sa kanya walang breeding at pinagaralan

  15. Nakakalungkot naman ang nangyari sa magkapatid. I do like Cristine Reyes pero nakakadisappoint ugali niya.. grabe yung sakripisyo ng ate niya na naging bold star para lang makatulong sa kanila, pati ng nag-sstart pa lang siya sa showbiz ang laki ng naitulong ni Ara sa kanya para sumikat pero ngayon na wala ng project ate niya nilalait na. Oh my gulay.. walang utang na loob. Ako ang mga kapatid ko pag nangutang sa akin di ko na inaasahan pang magbayad sila dahil sa hirap ng buhay naiintindihan ko, ako ang nasa abroad at kumikita kaya tulong ko na lang yun… never akong nagtatanim ng sama ng loob kasi naaawa ako sa kanila. Pero itong si Cristine grabe kung manglait sa ate.. haaay naku, mawawalan ka na rin ng career dahil nega ugali mo…

  16. wala kasing choice si ara kundi idemanda na, ayaw daw  makipagusap ni christine para nga hindi na lumabas ang away nila, pero puro mga satanic text ang pinapadala niya, kaya ayan tuloy, nalantad lalo ang kamalditahan niya, ang bata naman niyang maging rosanna roces para bumagsak agad

  17. hinDI KO AKALAIN GANUN MGSALITA C CHRISTINE.SOBRANG BELOW THE BELT!!!! PARANG WALANG PINAG ARALAN.IM SO DISSAPOINTED SA KNYA,I WILL NOT RENEW MY TFC SUBSCRIPTION,M,GA TALENT NG DOS MGA IMMORAL,BASTOS,WALANG BREEDING TAPOS TINOTOLERATE NG TGA ABS-CBN!!! MUKHA N CHRISTINE SA DAHIL SA PG IBIG PARANG ANGHEL SOBRANG BAIT,KABALIKTARAN PARA !!!!! MAY ORAS KA RIN CHRISTINE!!!!
    NOW WE KNOW UR TRUE COLOR…MG DASAL2X KNA DAHIL LAHAT NG PROJECTS MO CGURADO F-L-O-P !!!!!! OYUR NOT A GOOD INFLUENCE SA MGA KABATAAN!!!!! ISA KANG IMMORAL !!!!!!!

  18. KALOKA SI CRISTINE REYES KUNG MAKAPAGSALITA SIKAT DAW ANG PEG NIYA NGEON TANGA KA MALALAOS KA DIN FEELERS KA NAMAN MASYADO TEH HINDI KA MAGTATAGAL NA SIKAT AT KUNG MAKAPAG SALITA KA NAMAN PARANG HINDI KA PUMAPATOL SA MAY MGA SABIT AH IF I KNOW MADAMI KA NANG KINABITAN 

  19. Masama man ang ugali ng Kapatid Nya, iisa Lang ang labas nyan, sa ginawa ni ara mas lalo Lang silang pinag tatawanan at pinag pyestahan ng mga Tao. Nakakahiya! Bakit nman kc ipaabot pa sa media, di na Lang kase pag usapan nilang mag kapamilya. Issue nilang mag Kapatid yan, bakit kailangan iparating sa lahat, bakit kailangan  i media o mga kaso pang ganyan, ganyan nba kalala ang pamilya nila na pati nanay nila at iba nilang kapatid walang magawa sa away nila? siguro inisip ni ara sa ginawa nyang pa broadcast sa away nila ay kakaawaan sya, pero iba ang dating sa iba, nakakahiya na ung away nyong makapatid ay kailangan pang umabot s ganyan with broadcast pa. I’m not defending Christine side here, disgusting Lang mga nangyyaring ganito. D porket artista ay kailangan mo ng i share lahat pati mga di nka rapat dapat, dapat may mga limitations rin sila! Yun Kung di napigilang may lumabas, better n Lang wag mag pa interview na protect the reputation of ur family kahit di kau ok! Kase at the end of the day, FAMILY pa rin kau! 

  20. Masama naman talaga ugali ng Christine na yan! Pokpok pa!

    Maluwag na ang kepipay nyan sa kakapasok ng sausage ni Dennis Trillo dati hahahahah!!!!!

  21. retokado ang ilong ni Cristine diyan sa photo na iyan.dalawang beses yata siyang nagpagawa ng ilong. iyong pangalawa nilagyan ng “bridge” para tumangos, kaya lang obvious pag nagpapicture siya na nakaharap kasi makintab kahit nasa malayo. pero iyong unang retoke niya sa ilong, binawasan ang lapad ng ilong niya kasi parang namamaga iyong natural na nose niya. iyong mata naman niretoke din, iyong mata niya diyan sa photo, medyo singkit, ngayon bilog na bilog na.  pati iyong ngipin niya, nagbrace din para gumanda. 
    dinagdagan din iyong kanyang chin, dati kulang siya sa baba. hindi siya maganda dati.

  22. dahil lang sa pera, itong cristine na toh. kilala naman si cristine sa pgiging warfreak. sayang ang beauty tapos ang gaspang naman ng ugali. pagbigyan mo na kasi si ara, losyang na sya, laos na. wala nang mapagkakakitaan tapos ikaw bata pa at kumikita. kayo na nga magkapatid. naku

  23. INDAY KUNG SABIHIN MO MANG POOR DIRTY ANIMAL ANG ATE MO. MAS MASAHOL KA PA DAHIL NAGING GIRLFRIEND KA NI WILLIE REVILLAME HAHAHA.. ISA KA RING HALIPAROT KUNG IPAGYABANG MONG SIKAT NA SIKAT ANG PEG MO NGAYON MUSTA ANG MOVIE MONG TUMBOK? MAJOR SA PAGKA FLOP.

  24. INDAY CRISTINE NAGING POKPOK AT BOLDSTAR ANG HITAD NA ATE MO DAHIL SA INYONG MGA KAPATID NIYA SA LABAS. DAPAT SANA MAYAMAN NA NGAYON SI ARA KUNG WALA KAYONG PALAMUNIN NUNG BATA PA KAYO. UMAYOS KA BRUHA KA.

  25. may pagkamaldita naman talaga yang si cristine na yan!….demonya din pati ba naman sariling kapatid binababoy nya!bwisit..

  26. tama ka jan manay lolit solis,,,pera lang at kumikita naman si cristine ng malaki, ate naman nya un at magulang naman nya ang nakinabang sa bahay, sana binalewala na lang nya ung pera. sana kung pinaglalaki ng ate nya ung pera dun sya mag react ng megang-mega! kaso sa mabuti naman nagamit ung pera,,,,,,hay naku cristine,,,di mo madadala ang pera sa hukay! pagnawala tau sa mundo maiiwan yan dito,,,di mo madadala yan sa kung saan ka paparoon!

  27. komusta naman ang mata at ilong ni Cristine dyan sa lumang  picture nila ni Ara. hahaha!   salamat po doctor ang beauty ng hitad pero feeling dyosa sa ganda 

Leave a Reply

Your email address will not be published.