Napuno na sa mga patutsada ni Janice de Belen
John Estrada: hindi ako pabayang ama!

SIGURO, NAPUNO na si John Estrada sa mga patuloy pa ring patutsada sa kanya ng ex-wife na si Janice de Belen. Palagi kasing sinasabi ni Janice na hindi sinuportahan financially ng aktor ang kanilang mga anak.

Kaya naman hindi na kami nagtaka nang rumesbak na ito sa Ina Kapatid Anak star. Sabi niya sa ABS-CBNnews.com last Friday, “I think this is the right time. My kids are grown up. May utak na silang sarili nila. And gusto ko lang sabihin na never kong pinabayaan ang mga anak ko.”

Patuloy niyang pinanindigang nagbibigay siya ng sustento sa kanilang mga anak na itinakda ng korte. “’Yung sinasabi ni Janice na magiging okay kami if I support my kids, right, korte na po ang nagsasabi – kasi dinala niya ako sa korte na I didn’t contest – ito dapat ang ibigay mo sa mga anak mo, ‘yun talaga.

“Ano pa bang hindi tama na korte na nagsabi na ito dapat ang ibibigay ko sa mga anak ko? And I give more.

“I love my kids. Isa, nag-graduate na ng college na mula naghiwalay kami [ni Janice], ako nagbabayad ng tuition, medical, dental. May monthly sila, may pakotse pa sila. “Eh, bakit kailangan ko namang sabihin sa tao ‘yun? Bakit naman kailangang ipagyabang ‘yun o isiwalat sa publiko? Why?”

May mga pagkakataon naman daw na nali-late siya ng pagbibigay. “Totoo ‘yon, may times talaga na hindi ako sa oras, pero na-compensate iyon. Hindi ibig sabihin, hindi ako nagbibigay. Na-late ako, totoo ‘yon, pero hindi ibig sabihin hindi ko na-meet ‘yon through all these years. Thirteen years ang pinag-uusapan natin… Ganoon na ba tayo kababaw talaga?

“Masama ang loob ko, kasi through all these years… Believe me, marami akong pagkukulang sa mga anak ko. I’m not a perfect dad, but who isn’t?”

Siguro nga, dapat nang hindi na isinapubliko ni Janice kung ano mang merong tampo siya kay John dahil puwede naman nila itong pag-usapan nang hindi kailangan magpa-interview. Move on na tayo, ang tagal na ng hiwalayan n’yo, baka sabihin, hanggang ngayon si John pa rin ang nasa puso mo?

 

HINDI NAMIN kinaya ang tsikang sa 2016 ay patatakbuhin diumano si Kris Aquino sa pagka-bise presidente. Weeh, ‘di nga?

Aha, ‘yun ang tsika na mahigpit na tinuligsa ng retiradong arsobispong si Archbishop Oscar Cruz. Sa diskusyon namin sa radyo, (Cristy Ferminute, Raydo 5, 92.3 FM, daily 4 to 5:30 pm), lahat naman ay may karapatang tumakbo sa kahit anong posisyong kanyang naisin as long as may kapasidad at kayang mamuno. Lalim naman, pero I’m sure gets n’yo ‘yan dear readers. Dati kasi, ang bukambibig ni Krissy ay Senado, gusto niyang maging lawmaker. Pero dahil wala pa siya at nasa bonggang European tour kasama ang mga anak, hindi pa natin narinig ang kanyang panig tungkol dito.

Pero ang latest, ang pinsan niyang si Bam Aquino ay naniniwalang ma-ging magaling at mahusay na public servant ang kanyang pinsan sakaling pumasok nga ito sa pulitika.

Sa interview nito sa GMA, sinabi niyang, “Alam mo, kung malinis naman ang puso mo at gusto mo talagang manilbihan that already has the beginning of a good public servant.”

Dagdag pa ni Bam, “Alam ko may puso siya na gustong tumulong sa mga tao, yung public service mismo, again wala pa siyang nababanggit sa akin, pero in terms of helping other people ginagawa naman n’ya ‘yun.”

Dumating na si Kris last Friday kasama ang mga anak pero hindi siya nagpa-unlak ng panayam.

 

HINDI NAMIN kinaya ang walang patumanggang pagbibiro ni Joross Gamboa sa presscon ng Boracay Bodies na nagsimula na last Saturday, April 6. Kasi passé (as in hindi nakakatawa) ang kanyang mga jokes. Kahit hindi siya ang tinatanong, sabat siya nang sabat. Nagmo-moment siya on stage kahit hindi naman siya ang tinatanong ng mga kapatiran sa pananampalataya, I mean, kapatid natin sa panulat.

Kaibigan naman namin si Joross pero next time, behave na lang siguro, walo kasi kayong nasa presidential table, siyam pala, kasama ang host na si Phoemela, para akuin mo ang lahat ng oras ng pag-sagot at pagbibitaw ng joke na waley.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

12 thoughts on “Napuno na sa mga patutsada ni Janice de Belen
John Estrada: hindi ako pabayang ama!

  1. ang kapal talaga ng mukha ni john. hindi naman gwapo. paano naman makapagbigay ng tamang sustento eh wala naman yang magandang break sa showbiz. ang tagal tagal na sa showbiz eh hindi man lang sumikat. wala kasing talent.mabuti pa si janice very successfu. hanggng dtyan ka na lang john panget hindi ka na sisikat kailan man. ANG KAPAL NG PANGET MONG MUKHA. WE LOVE U JANICE!!! 

  2. at ikaw marianitang tuod bka pagnaranasan mong iwan ng 1 damakmak na anak tapos walang sustento. baka dika lang k umahol, bka magtutuwad ka pa sa ngitngit. ikaw ang pathetic loka!!!!

  3. common sense lang yan mga tsang n tsong. bakit siya uutusan ng korte kung talagang nagsusustento siya. sige nga! natural nagngitngt c janz pakita ba niya mga lavish lifestyle niya kay prclla,tapos sa mga anak barya barya lang gross!!! take note pnakain ni janz c john ng d pa ito kilala. huh!! matagaltagal din yun ha!!!

  4. its been a decade na ata simula nung magkahiwalayan sila and wala na si vanessa del bianco dito and iba na asawa ni john… bakit d maka move on si janice… why hold a grudge for a very long time??? nakakaloka… janice need to moved on… eh diba dati me natsismis na me jowa din si janice did we hear anything from john??? eh ngayong happy na si john why still talking about bitterness janice… if you’re keep on barking about the sustento issue then stick to the point show some evidence show everything… hindi kahol ng kahol wala naman prof… pakita mo mga resibo, voucher at kung anik anik pa janice di yung NAKAKIRITA KA ANG SIGAW NG GSIGAW ABOUT THAT ISSUE! YOU’RE GETTING SAD ANG PATHETIC!

    • naka moved on na sya ung gusto lng sustento ayos ahhhh.. kapal ng mukha mo pagsalitaan c janice prng klala mu cya o alam mga ngyayari sa knya ahhh

  5. bakit kailangan p cyang utusan ng korte kong talagang nagsustento cy ng maayos, at bakit kailangang dalhin p n janice s korte ang usapan sustento kong nagsusustento nman pala c john. s pagsasalita ng lalaking ito sobrang tayog at kayabangan n may kasamang pang lalait s nanay ng anak niya, samantalang noon cy itong dikit ng dikit k janice, may nabasa nga akong article non nagagalit ang direktor n janice dahil laging nakatanghod itong c john. hindi lang sustento ang kailangan ng mga anak mo yon paggabay mo s knila habang cilay lumalaki

    • ung korte issue ay din nangyayari sa kasalukuyan… matagal na panahon na yan… let’s say, di kontento si janice sa binibigay ni john sa mga bata, kaya dinala nya sa korte, and the courts says na ganito dapat ang ibigay mo, which is sinunod naman ni john, pero may isa pang gusto si janice na di snabi sa korte at di na rin ginawa ni john.. un ang nag-uuminit na katotohanan… ang kawawa- ang mga bata,, naiipit sa gitna.. saan dapat pumaling… PRANG KRIS & JAMES  ang peg???

  6. Pagharapin sila. Kailangang both sides, magsalita in the presence of the other. Sana naman hindi tutoong nagpabaya si John ng suporta sa mga anak. Ipinakita pa ang first birthday celebration ng anak nila ni Priscilla. Mukhang engrande. First bday pa lang.

  7. OH, YUN NAMAN PALA EH. MAY SUPORTA NAMAN PALA SI JOHN SA MGA JUNAKIS NILA NI JANICE. ETO LANG KASI SI ATE JANICE, DI MAKA-MOVE ON. SA TRU LANG HA, WE LIKE HER AT NENE PA YAN EH NAPAPANOOD KO NA NUNG BATA PA KO. QUESEJODANG MAGING QUOTATION QUEEN SYA ALANG-ALANG SA PAG-IBIG KAY GABBY AT AGA. PERO NAMAN, MOVE ON NA TEH! NUNG TIME NAMAN NA MAY BF SYA LIKE YUNG ATTORNEY BA YUN, WALA NAMAN SYANG TIRADA KAY JOHN. PERO PAG ALONE IN LOVE ANG LOLA NYO, TSAKA TUMITIRA KAY JOHN. WELL, MAYBE, WE WILL NEVER KNOW OR UNDERSTAND THE PAIN SHE WENT THROUGH NUNG MAGLOKO SI JOHN, PERO THAT WAS YEARS AGO AT MOVE ON NA DAPAT. MARAMI NA RIN NAMAN SYANG RAKET AT MALALAKI NA ANG MGA JUNAKIS NILA. DEVAH?

Leave a Reply

Your email address will not be published.