Napundi sa Selosang Misis; Mister, Nagbigti

MAY POSIBILIDAD na napundi na sa madalas na pagseselos at pangungulit sa text ng kanyang misis kaya pinili na lamang na magpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti ang 23-anyos na mister sa Sta. Mesa, Maynila, kamakailan.

Dead-on-arrival sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Jerome Castillo,  store helper at stay-in sa  Kasilawan, Sta. Mesa, Maynila.

Lumalabas sa report ni SPO1 Mario Asilo ng MPD-Homicide Section, natagpuang nakabigti  ang biktima sa kisame ng tindahan sa pagitan ng alas-10:00 hanggang alas-11:00 ng umaga.

Base sa pagsisiyasat, isang Onasis Panganiban, kapatid ng may-ari ng tindahan, ang nakadiskubre sa bangkay nang subukan niyang buksan ang tindahan dahil halos  tanghali na ay sarado pa ito. Doon nakita ang biktima na nakabitin sa kisame ng tindahan gamit ang kawad ng kuryente.

Nabatid na ang asawa ng biktima at nakatira umano sa Mandaluyong City ay madalas umanong gerahin sa text ang mister dahil sa pagdududa na may iba itong babae.

Samantala, tumanggi na ang mga kaanak at misis ng biktima na laliman pa ang pagsisiyasat dahil naniniwala silang walang  nangyaring foul play sa naturang  kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.