Napundi sa pambababae Mister, Binoga ng Misis sa Harap ng mga Anak

ISASAILALIM SA stress debriefing ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-7) ang mga anak ng isang misis na pumatay sa kanyang mister dahil sa selos sa Sitio Cambiohan, Barangay Marigondon, Lapu-Lapu City, Cebu.

Ang nasabing biktima ay nakilalang si Samuel Sollano, 47, habang ang salarin naman ay si Aida Sollano, 41.

Sinabi ni SPO1 Allan Pantaleon ng homicide section na nagseselos ang asawa sa kanyang asawa dahil sa palagi itong gabi na kung umuwi sa kanilang bahay.

Sinasabing nalaman din ng misis na may maraming sim card ang kanyang mister na siyang ginagamit umano nito sa pambababae.

Nang umuwi ang asawa ay mistulang nag-aapoy sa galit ang kanyang misis hanggang sa magkasagutan ang dalawa.

Dito na kinuha ng suspek ang kanilang baril at pinaputukan sa leeg ang mister sa harap mismo ng kanilang mga anak.

Samantala, napag-alaman na may siyam na anak ang mag-asawa at dalawang buwan ding buntis ang nakakulong ngayong suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.