Napulot na Pera sa Airport, Isinauli ng OFW

ISANG PAALIS na overseas Filipino worker (OFW) ang nagsauli ng napulot na Y200,000 o katumbas ng higit P82,000 sa airport.

Nakita ni Myra dela Cruz ang envelope na naglalaman ng 20 pirasong Y10,000 na may kasamang marriage contract sa ilalim ng upuan sa departure lobby ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Paalis na si Dela Cruz patungong Saudi Arabia at naghihintay na lang ng kanyang flight nang makita ang naturang envelope.

Tatlong taon nang nagtatrabaho si Dela Cruz, 35-anyos sa Specialized Medical Center Hospital sa Riyadh bi-lang Physical Therapist.

Samantala, itinurn-over na sa Intelligence and Investigation Division Manila International Airport Authority (MIAA) ang pera at dokumento.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.