Napoles sa Senado, pinakakansela

PINAKAKANSELA NI Sen. Serge Osmeña ang nakatakdang pagharap sa Senado ngayong linggo ni Janet Lim-Napoles hinggil sa nabunyag na P10-bilyong pork barrel scam.

Hiniling ng mambabatas sa Senate Blue Ribbon committee na kung maaari ay maipagpaliban ang pagdinig sa Nobyembre 18 dahil sa posibleng kawalan ng quorum.

Tinukoy ng senador na karamihan sa mga mambabatas ay nasa out of town pa kung kaya’t hindi aniya makadadalo ang mga ito sa pagsisiyasat.

“I am requesting Senator TG Guingona to move the Nov. 7 hearing to Nov. 18, the day that Congress resumes. I am concerned that more than half the members of the Senate will be out of town since Congress is still on break,” ani ng opisyal.

Binigyang-diin pa ni Osmeña na kailangang mabigyan ng oportunidad ang mga mambabatas na makapagtanong kay Napoles para matiyak ang “greater transparency” ng imbestigasyon.

Una nang ipinatawag ng komite si Ginang Napoles para sagutin ang mga alegasyong utak ito sa sinasabing maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng ilang mambabatas, kabilang ang ilang senador.

Sa kabilang dako, para naman kay Sen. Francis “Chiz” Escudero, kaagad nitong kinontra ang naturang apela ng senador.

Iginiit ni Escudero na matagal nang napagsabihan ang mga mambabatas kaugnay sa schedule hearing kung kaya’t walang dahilan para maipagpaliban pa ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.