Napoles, may subpoena na

TULUYAN NANG pina-subpoena ang negosyanteng si Janet-Lim Napoles na tinaguriang reyna ng PDAF scam.

Hindi na nagawa pang harangin ni Senate President Franklin Drilon ang pagpapalabas ng subpoena laban kay Napoles upang dumalo ito sa susunod na pagdinig ng Senado ukol sa naturang isyu.

Ayon kay Sen. Drilon, nagdesisyon na siyang pirmahan ang subpoena laban sa negosyante upang dumalo ito sa pagsisiyasat ng Senate Blue Ribbon committee.

Dahil sa pahayag na ito ng pangulo ng senado ay hindi na kailangan pa ang Senate caucus ng lahat ng mambabatas na dapat pagdesisyunan kung dapat o hindi dapat padaluhin si Napoles sa pagsisiyasat ng Senado.

Maaalala na naunang tumanggi si Drilon na padaluhin si Napoles sa imbestigasyon ng Senado dahil na rin sa payo ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Samantala, matatandaan din na nahaharap sa kasong plunder sa Office of the Ombudsman sina Sen. Jinggoy Estrada, Juan Ponce Enrile at Ramon Bong Revilla dahil sa umano’y pagkakadawit ng mga ito sa pork barrel fund scam dahil sa paglalagay ng pondo mula sa kanilang PDAF sa bogus NGOs ni Napoles.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.