Napoles, May Direktang Access sa mga Mambabatas

IBINUNYAG NG kampo ng whistleblowers na mismong si Janet Lim-Napoles ang direkta umanong nakikipagnegosasyon sa mga mambabatas para sa transaksyon ng pork barrel funds na ipapasok sa kanyang non-governmental organizations (NGOs).

Sinabi ni Atty. Levito Baligod, abogado ni Benhur Luy at ng ilang mga testigo sa PDAF scam na hawak na rin ng NBI ang mga whistleblower na may nalalaman sa pakipag-usap at direktang kasabwat ni Napoles sa kanyang NGO.

Ayon kay Baligod, may mga ibinibigay rin umanong cash si Napoles sa mambabatas na nagpasok ng kanilang PDAF funds sa NGO ng negosyante na nagsisilbing komisyon.

Inihayag pa ng abogado kasama ang lahat ng mga ito sa mga affidavit ng mga testigo na nakapagsumite na ng kanilang sinumpaang salaysay sa NBI na nanguna sa pagsagawa ng pagsisiyasat.

Samantala, una na ring iginiit ni Atty. Lorna Kapunan, abogado ng negosyante na walang kredibilidad ang mga pahayag ng tumatayong witness na hanggang ngayon umano ay walang matibay na ebidensiya at hindi pa rin naisasampa ang naturang kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

One thought on “Napoles, May Direktang Access sa mga Mambabatas

Leave a Reply

Your email address will not be published.