Napoles list, minamanipula

MAY LUMALARO, nanggagatong at nagmamanipula sa Napoles list na sinasabing naglalaman ng iba pang dawit sa pork barrel scam.

May kutob si Senator Miriam Defensor-Santiago na si Senate minority leader Juan Ponce Enrile ang may pakana ng pagpapagulo sa nasabing isyu sa pamamagitan ng pagpapasabog ng kung anu-anong impormasyon kaugnay sa naturang listahan ni Napoles.

May duda rin si Senate majority leader Alan Peter Cayetano na ang mga talagang dawit sa kontrobersyal na scam ang gumagatong sa nasabing usapin para mailayo sa kanila ang ‘init’.

“Ito na ang sinasabi ko nu’ng isang araw na habang hindi nilalabas ang affidavit ni Napoles, maraming mga listahan ang maglalabasan, guguluhin ang issue,” ayon  kay Cayetano sa pa¬gkakasama ang kanyang pa¬ngalan sa report ng isang website tungkol sa mga nakinabang sa PDAF.

Bukod naman kay JPE, nahaharap din sa plunder at anumang oras ay maaaring maisyuhan ng warrant of arrest sina Senator Jinggoy Estrada at Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. at ilan sa mga tauhan ng mga nabanggit.

“Kaya ngayon nagagamit pa nina Napoles at ‘yung mga ibang akusado ang kaguluhan para ma¬wala ang atensyon sa mga kaso nila,” dagdag pa ni Cayetano.

Bagama’t walang sinabi kung saan partikular na ginastos o nilagak ang kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF), matigas ang paninindigan ng mambabatas na hindi ito dumaan sa grupo ng negosyanteng si Napoles o anumang non-government organizations (NGOs).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.