Napoles, hinimok maging state witness

KUMPIYANSA ANG lu-mabas na mga testigo sa kontrobersiyal na P10 bil-yong pork barrel fund scam para lalo pang mapagtibay ang kasong naisampa laban sa mga mambabatas at iba pang mga sangkot sa nasabing anomalya sakaling magsalita at magsabi ng katotohanan si Janet Lim-Napoles.

Sinabi ni Atty. Levito Baligod, abogado ni Benhur Luy at pangunahing witness sa pork barrel fund scam na mas nakakabuting maging “state witness” na lamang si Napoles lalo na’t ang non-government organization (NGO) nito ang ginamit ng mga mambabatas para paglaanan ng kanilang PDAF funds.

Ito’y kahit pa na sapat aniya ang hawak nilang mga ebidensiya at mga testigo kontra sa mga kinasuhang mambabatas sa Office of the Ombudsman.

Ayon pa kay Baligod, makakatulong din sa kaso ang paglabas ni Ruby Tuason sa NBI para ibunyag ang lahat ng kaniyang mga nalalaman lalo na ang naganap na transaksiyon sa pagitan nina Napoles at mga nasasangkot na mambabatas partikular na sa usapin ng”kickbacks”.

“Mas nakakabuting magbago rin ang isip ni Mrs. Janet Lim-Napoles na maging state witness na lamang at sasabihin ang katotohanan hinggil sa pork barrel scam gaya ng ginawa ni Ruby Tuason na umuwi pa ng Pilipinas ga-ling Amerika” pahayag ni Atty. Baligod.

Una nang inihayag ni Tuason sa kaniyang affidavit na isinumite sa DoJ at pinanumpaan sa Ombudsman nasa 1.5 porsyento ang kaniyang natatanggap bilang referral fee noong 2004 mula sa kontrobersyal na negosyante.

Nabatid din na nakasaad din sa sinumpaang salaysay ng “state witness” na na-kiusap sa kaniya si Napoles na ipakilala ito kina Senator Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla na may kapalit ng porsyento sa kanilang transaksiyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.