Napoles, Hinamong Mangumpisal Na

HINAMON NI Marbel Bishop Dimualdo Gutierrez si Janet Lim-Napoles na ikumpisal na ang mga nagawang kasalanan.

Sinasabing si Napoles ang nasa likod ng P10 bilyong pork barrel fund scam.

Maliban sa pangu-ngumpisal, sinabi pa ni Bishop Gutierrez na ibunyag na ang lahat ng ka-nyang nalalaman at kung sinu-sino pang sangkot sa nasabing scam.

Ikinatuwa rin ng obispo ang pagsuko ng sinasabing reyna ng pork barrel scam.

Ayon naman kay Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care Executive Sec. Bro. Rudy Diamante na normal na ang special treatment na ibinigay ng gobyerno sa mga akusadong kagaya ni Napoles.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.