Napoles, ‘di p’wede sa Senado

KAAGAD SINUPALPAL ng kampo ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles ang plano ng Senado na humarap ang sinasabing isa sa mastermind sa pork barrel fund scam sa gagawing pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa araw ng Huwebes.

Una rito, sumulat si Senate President Franklin Drilon sa Ombudsman para humingi ng komento hinggil sa  kagustuhang i-subpoena si Napoles.

Sinabi ni Atty. Lorna Kapunan, lead counsel ni Napoles na mas gugustuhin nilang paharapin ang kanilang kliyente at iharap ang mga ebidensiya sa korte.

Maaalala na ang negosyante ang sinasabing nasa likod ng maanomalyang P10 bilyong pork barrel scam kung saan sangkot ang ilang mambabatas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.