Napoles, ‘di kailangang magsalita – Chiz

WALA NANG nakikitang dahilan si Senator Francis ‘Chiz’ Escudero para magsalita pa sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee sa PDAF scam si Janet Lim-Napoles.

“Hindi [magsasalita]. Sa totoo lang, hindi, at wala akong nakikitang dahilan na magsalita pa siya,” ayon sa mambabatas.

“Maliban na lamang siguro kung ilipat natin sa ordinaryong kulungan, baka doon pa siya magi¬sing at biglang magsalita pagkatapos nating gawin ‘yon,” pahayag pa ng senador.

Kaya naman nakiisa si Escudero sa opinyon ng ilang kabaro na dapat nang maglabas ng ‘partial report’ ang komite hinggil sa ginawa nitong ‘pork’ scam hearing.

Ipinagpatuloy naman ng Makati Regional Trial Court branch 150 ang pagdinig sa inihaing mosyon ng tinaguriang reyna ng PDAF scam na si Napoles para sumailalim sa medical surgery at ma-confine sa St. Luke’s hospital sa Global City.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Napoles, ‘di kailangang magsalita – Chiz

  1. Pingback: Napoles, ‘di kailangang magsalita – Chiz - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.