Napoles, ‘di dinidiktahan – De Lima

MARIING TINUTULAN ni Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima ang mga alegasyong nadidiktahan ang tinaguriang reyna ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.

“This would also dispel any suspicions they may be dictating what Napoles has to say,”  ayon kay De Lima kung saan inihayag nitong humahanap sila ng alternatibo para mapabilis ang proseso, una na rito ang pag-atas sa kontrobersyal na negosyante na isulat na ang kanyang statement para hind na rin madalas na bisitahin ng NBI.

Sa pamamagitan pa umano nito ay maiiwasan ang nasabing alegasyon na tinuturuan si Napoles ng kanyang mga sasabihin.

Sinabi pa ng kalihim na hindi pa nakukumpleto ang affidavit ni Napoles.

Ang bahagyang mabagal na pagkuha ng statement kay Napoles ay dahil na rin sa 2-oras lamang ang pinapayagan para makausap ang negosyante sa Ospital ng Makati tuwing bibisita ang NBI.

Inamin pa ni De Lima na noong magkita sila ni Napoles ay tanging listahan ng mga dawit sa iskandalo at ilang impormasyon ang nakuha nito at marami pa umano ang kulang.

Isinama rin ng kalihim sa pagsisiyasat sa PDAF scam ang lumilitaw na ulat na dawit din si Napoles sa ilang tran¬saksyon sa Department of Transportation and Communications (DOTC) noon pang taong 2002 kung saan isa sa sinasabing minaniobra nito ay ilang ghost deliveries ng mga computer at communication gadgets.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.