‘Napoles’ at ‘Yolanda’, Binabantayan ng DOH

MULING IDINAAN ng Department of Health (DOH) sa pagsayaw ang pagpapalaganap ng kampanya laban sa paggamit ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Kung tumatak noon sa publiko ang iba’t ibang dance craze ng “Moves Like Jagger” at “Gangnam Style”, ang “Roar” naman ni Katy Perry ang ginamit ng nasabing ahensya ngayong taon.

Layunin ng naturang kampanya ng DOH na may temang “Maging ligtas ngayong Kapaskuhan, mga biktima ng kalamidad ay handugan” na paalalahanan ang publiko na huwag nang dumagdag sa pinsalang una nang idinulot ng mga kalamidad ngayong taon, ayon kay Assistant Secretary Eric Tayag.

Sinabi ng opisyal na mahigpit na binabantayan ng ahensya ang Piccolo na notoryus na paputok sa mga bata kung saan ikinasugat ito ng 236 noong 2012.

Ayon pa kay Tayag, may bagong uri ng malalakas na paputok na pina-ngalanang “Napoles” at “Yolanda” ang mahigpit na ring binabantayan ng kanilang ahensya.

Nanawagan rin ang DOH sa mga magulang na subay-

bayan ang kani-kanilang mga anak na upang hindi makabili at makagamit ng anumang uri ng paputok.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.