Napocor, kakasuhan ng Bulacan Execs

INIHAHANDA NA NG mga opisyal ng Bulacan ang ihahaing kaso laban sa pamunuan ng Napocor, dahil sa nangyaring pagpapakawala ng tubig noong kasagsagan ng bagyong Pedring at Quiel.

Ang nasabing hakbangin ay mula sa inisyatibo ng kanilang mga alkalde, partikular na ng mga lugar na labis na naapektuhan ng matin-ding pagbaha, ayon kay Bulacan Gov. Willy Alvarado.

“Napakahalaga na malaman kung sino ang nagkasala. Tiyak na may liable person dito at iyon ang layunin ng binabalak na class suit,” ani Alvarado.

Mariin ding kinondena ng gobernador ang naging reaksyon ng mga taga-Napocor at ilang indibidwal na ginawa umanong biro ang baha sa kanilang lugar.

Matatandaang sa isang panayam ay tinanong ang nasabing opisyal ng Napocor kung saan nagmula ang malaking volume ng tubig na nanalasa sa Bulacan, pero ang tugon umano nito ay “sa langit”. Bagay na ikinairita naman ni Alvarado at ng mga biktima ng baha.

Giit ng Bulacan chief executive, hindi biru-biro ang kanilang sinapit at marami ang nasawi, kaya hindi kailangang daanin sa pagpapatawa ang paghahanap ng sagot sa napakalaking dagok sa kanilang lalawigan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.