Napikon sa Dirty Dancing, Namaril; 3 Sugatan

ARESTADO ANG isang 25-anyos na tambay na lalaki nang pagbabarilin nito ang tatlong katao sa isang sayawan sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur.

Sa kulungan na nahimasmasan si Rey Sarte ng Brgy. Bani makaraang arestuhin sa panggugulo sa sayawan noong Biyernes ng gabi.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa ospital sina Dianne Clemen y Glamno, 14; Judith Visto y Cantor, 53; at Pio Avenda y Sales, 35, mga residente rin ng naturang lugar.

Nasa kasagsagan ng sayawan ang mga biktima nang biglang dumating si Sarte na lasing at sa hindi malamang dahilan ay namaril ang mga ito.

Bagaman nakakulong ay ayaw namang magsalita ni Sarte kung ano ang motibo niya sa pamamaril.

Ilan naman ang nagsabing baka napukaw lang ang pansin ng suspek dahil sa mga oras na iyon ay kakaiba ang indak ng tatlo at kahit walang dahilan ay napagtripan ni Sarte na barilin.

Kabilang din sa iniim-bestigahan ay kung saan nakuha ng suspek ang kanyang cal. 38 na baril.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.