Napik-up na babae, todo-performance sa kama: Hunk actor ‘di pa rin tinigasan!

BLIND ITEM: KINSA SIYA? Medyo nakakatuwa ang kuwentong ito. Ilang linggo pa lang ang nakalipas nang mangyari ang kaganapan between hunk actor at isang babae na napik-up niya sa bar. Isang gabing nagkakasiyahan ang hunk actor kasama ang kanyang mga barkadang lalaki sa isang bar, nang may namataang magandang bebot ang hunk actor.

Di-nare ng kanyang mga kabarkada ang hunk actor na pormahan ang magandang bebot na nasa kabilang mesa. Game naman si bebot na nakipag-usap sa hunk actor at medyo tipsy na ang dalawa at kung saan-saan na napunta ang kanilang usapan. Bago magtapos ang kasiyahan nang gabing ‘yun, nagkasundo ang bebot at hunk actor na magkaroon sila ng intimate moments together.

Nang nasa kuwarto na ang hunk actor at ang bebot, nagsimula na sila sa kanilang paglalakbay sa glorya ng kaligayahan. Todo-performance itong si girl, kasi jackpot kung maituturing niya ang kanyang kasalong hunk actor dahil lumalabas din ito mga TV shows. Sayaw roon, sayaw rito, pa-cute dito at pa-cute doon, andyan pa ‘yung sumirko-sirko pa si girl para lamang lalong gaganahan si hunk actor. Pero hindi siya nagtagumpay. Nanatiling tulog si junior pedro ni hunk actor. Hindi nag-enjoy si girl sa mga kaganapan dahil hindi todo ang performance ni junior pedro ni hunk actor, ayaw pa rin itong magising at lumaban sa giyera ng glorya. Kaya hindi masyadong natapos ang grand performance of her life nitong si bebot at nadismaya siya sa mga pangyayari.

Ang ending, ipinagkalat niya na luz clarita as in hindi siya nagwaging masyado sa pakikipagniig sa hunk actor dahil tulog-tsina ang putotoy nito. Nakakaloka ha, marami tuloy ang naghinayang sa pagkakaton ni bebot dahil mukhang may nainom na kakaibang gamot na bawal diumano itong si hunk actor.

LABIS NA IKINASIYA ni Mocha Uson at ang dalawa pang miyembro ng Mocha Girls ang pagkabilang nila sa top ten sa most searched as Fastest Rising Local Music Artists sa Google Zeitgeist 2010 para sa Pilipinas. Hindi inakala ng grupo na labis palang na-curious ang mga tao sa bansa tungkol sa kanilang banda kaya naman pumapalo sila sa pang-apat na puwesto as most searched local music artist. Nasa pang-unang puwesto si Charice Pempengco, sinundan ni Sarah Geronimo, pangatlo naman ang Pilipinas Got Talent grand champ na si Jovit Baldivino, pang-apat ang Mocha at panglima ang namayapang King of Pinoy Rap na si Francis Magalona.

Mensahe pa ng manager ng Mocha na si Byron, ipinagpasalamat niya ang tagumpay ng kanyang alaga sa lahat ng Pinoy fans na walang sawang sumusuporta sa kanila lalo na noong nakaraang taon na itinutu-ring niyang taon din ng Mocha Girls dahil sa kabi-kabilang gigs, guestings at out-of-town shows.

Nasangkot man ang isa sa mga miyembro nito sa isang hindi kagandahang insidente sa isang bar, hindi ito hadlang para sa grupo upang muling aariba ngayong 2011. Sa marso nakatakdang ilabas sa bansa at iba pang Southeast Asian countries ang indie film nila na gawa ng isang Malaysian director. Congrats!

ISA PANG BLIND Item: Kinsa Siya? Sino itong isang singer na may gig sa ‘di kalayuang probinsiya ang hindi raw binigyan ng pangkain ang kanyang make-up artist? Kuwento ng aming source, ipinatawag ng singer ang make-up artist at pinasunod sa kanyang gig sa may ‘di kalayuang probinsiya. So may-I-bus travel naman itong si make-up artist.

Pagdating sa venue, minuk-apan agad ni baklush ang singer para maging handa na ito sa kanyang performance galore. Tom Jones na si make-up artist nang matapos niyang sinimento ang mukha ni singering. Pero ang ending, nagbayad lang ito sa kaukulang serbisyo niya as make-up artist. Hindi nito ni-reimburse ang ipinamasahe sa bus ng make-up artist, pati pangkain, hindi ito binigyan. Hindi na lamang kumibo itong si make-up artist at nangako ito sa sariling hindi na mu-ling seserbisyuhan si singering.

Tutok lagi sa Juicy, daily (12 NN), sa TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, sa TV5; at sa Cristy Ferminute, Radyo Singko, 92.3 newsFM, daily, 4 to 6 PM.

Maria Angela F. Abad

Sure na ‘to

By Arniel Serato

loading...

3 thoughts on “Napik-up na babae, todo-performance sa kama: Hunk actor ‘di pa rin tinigasan!

Leave a Reply

Your email address will not be published.