“Naperahan na, Ipinakulong pa”

ITO ANG masaklap na pangyayari na naganap sa buhay ng isang lalaki matapos umanong hulihin at maghatag ng malaking ng halaga ng pera sa mga elemento ng Station Anti Illehal Drug (SAID) ng Caloocan City Police Station hinggil umano sa pagtutulak ng ipinagbabawal na droga at tuluyan nang mabubulok sa loob ng kulungan.

Ang inaresto ng mga elemento ng SAID ay nakilalang si Bong Valenzuela, 42, live-in partner at residente ng 5th Avenue, Grace Park ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Abegail Medina, nasa hustong gulang at kinakasama ni Valenzuela, ang kanyang kinakasama ay hinuli noong nakalapas na Mayo 21 ng gabi dahil umano sa pagtutulak ng droga.

Aniya, nang nasa tanggapan na ng SAID si Valenzuela ay hinihingan sila ng mga elemento ng SAID ng halagang P15,000 kapalit ng kalayaan ni Valenzuela.

Para makalikom ng ganoong halaga ay ibinenta ni Medina ang lahat ng kanyang kagamitan sa bahay at kaagad na dinala sa tanggapan ng SAID.

Sinabi pa ni Medina, pagkakita umano ng mga tauhan ng SAID na hawak niya ang nasabing halaga ay isa sa mga ito ang mabilis na inagaw sa kanyang kamay ang nasabing halaga.

Nang nasa kamay na ng mga operatiba ng SAID ang pera ay humihirit pa ang mga ito ng gawing P50,000 na ang dapat maging hatag ni Medina kung hindi ay matutuluyang kasuhan si Valenzuela ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 (sell of dangerous drugs).

Ayon kay Valenzuela, inaamin niyang gumagamit siya ng Shabu pero hindi siya nagtutulak. At nang siya ay arestuhin ay wala namang nakuhang Shabu sa kanyang katawan.

Si Valenzuela ay detinido ngayon sa detention cell ng Caloocan PNP at walang inirekomenda ang piskalya ng Caloocan na makapaglagak ng piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

 (ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.