Napatay na suspected leader ng carnap group, pinsan ni Robin Padilla!

KAYA NAMAN PALA pogi, may porma, astig at mukhang lover boy ang namayapang suspected leader ng carnap group na si Ivan Padilla e, pinsan pala siya ng original Philippine bad boy ng local cinema na si Robin Padilla.

Paano? Kapatid daw ng erpats ni Binoe si Tito Aldo, na erpats naman ni Ivan.

Kaya nga lang, si Ivan e,talagang in real life ang ginagawang action. Parang pelikula lang ang dating ng kanyang pakikipagpalitan ng putok sa mga pulis recently pero true ‘yon. Kaya nga siya napuruhan, ‘di ba?

Si Queenie mismo ang nagsabi sa amin. Hindi man sila personal na magkakilala, pero aware siya na tiyuhin niya si Ivan dahil magkasama sila sa school na pinasukan at ‘yon ang sinasabi ng kanilang titser.

Op kors naman. Nalungkot si Queenie nang nabalitaan niya ang nangyari kay Ivan at gaya ng ibang mga relatives ng kontrobersiyal na personalidad e, kinukundena rin daw niya ang ginawa ng mga pulis dahil sabi nga ng anak ni Binoe “…he was just a kid. They should impose maximum tolerance on him.”

Hindi rin daw makapag-react si Binoe dahil sobra itong busy sa kanyang bagong show na Pilipinas, Win na Win. Teka, hindi ba’t nagkaroon din ng pelikula noon si Binoe kung saan member siya ng isang carnap group? Hindi kaya ‘yon ang ginaya ni Ivan?

Anyway, kahit na ang distant relative na si Bella Padilla ng Party Pilipinas e, nagsasabing kilala niya si Ivan magmula pa nu’ng ten years old ito.

Bukod sa schoolmate niya ito sa Collegio de San Agustin sa Forbes Park, Makati (sosi, ‘di ba?) e, kasamahan din daw ng kanyang mommy ang mga kapatid ni Ivan sa Bible study.

Kami man, kahit hindi namin personal na kilala si Ivan e, nanghihinayang sa kanyang buhay. Kasi nga, hindi man lang siya nagkaroon ng chance na magbago.

Sana, ginaya na lang ni Ivan ang kanyang mga pinsan sa showbiz na sa pelikula na lang nagpapaputok ng baril at iba na lang sana ang kanyang pinapuputok sa tunay na buhay. ‘Di sana wala nang buhay ang nabubuwis at nasasayang.

ITO TALAGANG SI Diether Ocampo, sampung taon na ‘yata ang nakararaan pero hanggang ngayon e, hindi pa rin nakaka-get over sa ginawa naming pambubuko noon sa kasal-kasalan nila noon ni Kristine Hermosa sa Jaen, Nueva Ecija.

Para sa mga hindi nakakaalam, kami kasi ang nakakuha ng exclusive at in-depth report na inilabas noon sa S Files ng Channel 7 tungkol sa kasal-kasalan nilang dalawa, kung saan si Mayor Tony Esquivel ang namuno sa ceremony.

Isang common friend namin ni Mayor Esquivel na taga-Camp Crame ang nagbigay sa amin ng tip tungkol sa nangyaring ‘yon kaya agad naming ginawan ng aksiyon bilang isang entertainment reporter sa TV.

E, nang pinaalala kay Diet ang isyung ‘yon sa presscon ng Mamarazzi, nagkataong nandu’n kami sa kanyang tabi. Heto ang kanyang dialogue sa amin sabay duro sa amin sa harap ng mga kapatid sa panulat.

“Ito kasi. Ito ang may kasalanan kung bakit nabulilyaso ang kasal na ‘yon. Kaya dapat, ‘wag n’yong pagkatiwalaan ang taong ito,” ang medyo asar na sabi ni Diet kaya medyo napapangiwi pa ang kanyang bibig.

Sa totoo lang, medyo na-hurt kami. Sabi nga ni Papa Ogie Diaz, tekaminute! ‘Di ba trabaho naman namin bilang entertainment reporter na ibalita sa madlang pipol ang mga nangyayari sa buhay ng kanilang mga idol? Saka, ‘di ba hindi naman kami nakuryente sa balitang ‘yon dahil wan hundred percent true na nagpakasal ang dalawa?

Saka anong konek ng sinabi niyang ‘wag kaming pagkatiwalan’ e, hindi naman niya kami in-invite sa kasalang ‘yon at hindi rin naman niya sinabi sa amin na, “ui, Joey, secret lang itong kasalan kaya ‘wag kang maingay, ha?”

Dahil nasa Imperial Palace kami na pag-aari ni Mother Lily at malaki ang respeto namin sa naturang produ e, nginitian lang namin si Diet habang galit siyang nakatitig sa amin.

Inisip na lang namin, siguro, mahal pa rin niya si Kristine kaya nanghihinayang siya sa sinasabi niyang nabulilyasong kasal nila. At siguro, nag-aampalaya lang si Diet dahil may plano nang magpakasal sina Kristine at Oyo

Boy Sotto.

For reaction, please e mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

7 thoughts on “Napatay na suspected leader ng carnap group, pinsan ni Robin Padilla!

  1. E ano naman kung pinsan ni Binoe ang napatay na Ivan Padilla na yun? mamamatay ba si Binoe kung sakaling pinsan nya nga yun? May sari-sariling buhay at pag-iisip ang mga tao kahit magkakamag-anak pa sila kaya wag nyo nang idawit ang pangalan ng mga artistang kamag-anak nila pati sila nahahatak sa kabuktutan ng iba.

  2. si critsy fermin wlang magawa, kaya naninira ng ibang tao para lang may maipakain sa kanyang pamilya.yucks.wlang hiya.di marunong lumingon sa pinanggalingan.

  3. ang ibang pinoy talaga kapag napatay or na convict ang isang mayaman at gwapong kriminal naglalabasan ang justice for blah blah blah sa fb… at kung anu anu pang human rights chuchu pero kapag saksakan ng panget ang kriminal kapag nahuli or napatay, buti nga sau or sana mamatay ka na ang sigaw ng mga iba tsktsktsk….

  4. Mali ata si Queenie. Anong maximum tolerance? Carnapper, may dalang baril, maximum tolerance pa? Ito kasi ang nakita niya sa kanyang ama na si Robin. Drug pusher at nahulihan pa nang mga baril kaya nakulong.

  5. tama naman sabi ni diether di ka mapagkatiwalaan no!
    baka dalhin mo pa sya sa loob ng kotse mo at i rape! pwe!

  6. kasi naman dapat ngpasintabi muna kayo na ibabalita nyo na kinasal sila kaya buti nga sa inyo napagsabihan kayo. hindi lahat ng chika ay trabaho. aminin nyo mat hindi may pinipili rin kayong ibalita lalo pat may katapat na pera im sure sarado ang bibig nyo mga bakla.

  7. “ui, Joey, secret lang itong kasalan kaya ‘wag kang maingay, ha?” tarantadong bakla ka.. sa picture mo na lang hindi mapagkatiwalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.