Napatay na Amasona sa Tarlac, UP Student – AFP

KINUMPIRMA NG nahuling NPA assistant squadron leader na nakilalang si Jun Mendoza, na ang nasawing amasona sa engkuwentro sa Brgy. Bubon 2, Camiling, Tarlac  ay naging estudyante ng UP Manila.

Kasalukuyang nasa AFP Medical Center sa Quezon City ang naarestong NPA leader at sumasailalim sa medical treatment dahil sa tinamo nitong sugat dahil sa sagupaan.

Sinabi ni AFP Public Affairs officer Lt. Col. Ramon Zagala na inamin ni Mendoza na kasamahan nila ang napatay na amasona kamakailan.

Kilala umano ang nasabing amasona sa tawag na Ka Iris, su-balit bina-validate pa sa ngayon ng militar ang naturang impormasyon.

Ayon kay Zagala, ang nakasagupa ng mga kasapi ng Army ay mula sa pinagsanib na sangay ng NPA mula sa Tarlac at Zambales.

Sa ngayon, mayroon na lamang tatlong squad ang hukbo subalit nabawasan pa ito ng isang squad dahil ng sagupaan.

Nakatakas naman ang isang NPA member habang natiklo rin ang isa na si Mendoza.

Samantala, inaalam na ng AFP kung ano ang ginagawa ng mga rebeldeng NPA sa lugar kung saan sila napatay ng mga sundalo at pulis.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.