Napariwarang batang aktor, behave na raw sa pagbabalik-loob!

 

PERSONALLY, NATUTUWA kami, dahil sa kanyang pagbabalik-loob sa kanyang naunsiyaming career. Noon kasi, sikat ang batang aktor na ‘to, eh.

Kaya lang, kung anu-ano na ang kinasuotan. Tulad ng droga at sugal, kaya ang career niya, lumamlam na. Ayaw na siyang kunin, dahil nahulog na ang kanyang sariwang mukha, eh.

There were times pa na panay na lang ang delihensiya niya sa mga kaibigan. Pati celfone ng ibang tao, hinihiram niya para isanla at magkapera.

Kung kani-kanino rin siya may utang na ewan kung bayad na ba ngayon o lista na lang sa tubig. Me tsika pang panay ang patol niya sa bading para lang magkapera.

Ngayon, behaved na raw siya. Magko-concentrate na raw siya sa kanyang career, dahil kailangan na niyang magtrabaho.

Nu’ng huli namin siyang makita sa telebisyon ay maaliwalas ang kanyang mukha. Pero nu’ng magkita na kami na naka-make-up siya, ang daming concealer niya sa mukha.

Normal lang naman ang mag-concealer, dahil tatakpan mo talaga ‘yung mga natuyong pimples o scars. Eh, nu’ng time na ‘yon, ilang tapal ng concealer sa mukha niya ang halatang-halata. Sa loob-loob namin, juice ko, nu’ng araw talaga, ang kinis ng mukha ng batang ‘to. Walang open pores, eh.

Tapos, mas kumapal pa ang pagka-baritone ng boses niya ngayon, kaya I suggest, itigil na rin niya ang kanyang smoking habits (kung hindi pa, ha?) para hindi lumala ang kapal ng boses niya.

Hindi na po kami magbibigay ng clue, dahil pang-general patronage naman itong aming blind item.

Basta sana, tuluy-tuloy na ang kanyang pagbabago.

(By Ogie Diaz)

loading...

7 thoughts on “Napariwarang batang aktor, behave na raw sa pagbabalik-loob!

Leave a Reply

Your email address will not be published.