“NAPAKASUWERTE NG MAGIGING MANUGANG KO!” -SHARON CUNETA

PILIT pa ring iniintriga si Sharon Cuneta na umano’y niretoke raw ang Marie France billboard nito sa Edsa.

“Nagulat ako! Tapos na-laman ko, may sagot agad ang Marie France. In the first place, bakit ako manloloko? Ako ang mapapahiya. Makikita mo ako sa TV, hindi totoo. Ipagpapalit ko ba ‘yung 32 years ko sa isang billboard?

“Nasa States ako, nagulat ako, somebody texted me. Mas totoo raw ‘yung isang billboard kesa doon sa naka-blue. Pictorial lang ‘yun, lahat ‘yun, isang pictorial. Hahaha!

“Isang araw lahat ‘yung costume na ‘yun, mayroon pa ngang lalabas. Marie France disputed it. I don’t want to defend myself. At this point, I remind na lang everybody na I’ve been endorsing products very cre-dibly, very carefully since I was thirteen. Hindi ko ipagpapalit sa isang endorsement ‘yung reputasyon ko.

Comment ni Sharon tungkol sa pag-amin ni Piolo Pascual sa relationship nito kay KC Concepcion?

“I’m very happy. They have my full support ever since naman. I always say that Piolo is a good influence on KC and I’m happy naman also to brag that my KC is also a good influence on Piolo. I think she has in a way also influenced him doon  na  ipakita lalo ‘yung pagiging gentleman niya. Na-touched ako that he stood-up for her,” sey ni Mega.

Ikinagulat ba niya ang pag-amin ni Piolo sa relasyon nila ni KC on national TV?

“Oo! Nagkukuwento si KC, hindi kumpleto. Nininerbiyos ako. Nagkukuwento si KC sa akin, pero walang sinasabing commitment. I’m just being honest, pero sa akin, alam naman niya na wala ‘yun. Siguro wala lang kaming time na mahabaan, pero hindi siya nagtatago, nagkukuwento siya ng mga lakad nila.

“Pero medyo nagtampo ako ng kaunti, kasi naunahan, pero hindi ako galit. Feeling ko, bakit naunahan ako?  She’s my princess before she was his. Hahaha! She always will be but I’m very happy for them both and I wish them happiness.

“Ang hirap kasing maging artista. Sana bigyan ng lahat ng tao nang suporta ‘yung dalawa. It’s hard enough to have a relationship, it’s a million times harder while both of you is in showbiz.”

Marami ang natutuwa sa relationship nina KC at Piolo, pero pilit pa rin silang iniintriga.

“Ganu’n talaga ‘yung walang buhay. Gusto nila, ‘pag mi-serable sila, ganoon din ang ibang tao. Kahit nga kami ni Kiko (Pangilinan), iniintriga noon, tapos ngayon magpi-fifteen years na kami.

“I think, ang public, hindi mo naman maiiwasan ‘yun minsan may duda, but I think only time will tell. Me and Kiko also, hindi mo maiiwasan, pero sorry na lang, because the two, it took them this long and they’re happy. I want them to know, I want KC and PJ to know I’ll be here for them, you know, I’m KC’s Mom. So, PJ please take care of my baby.”

Sa tono ng pananalita ni Sharon, parang si Piolo na ang lalaking magiging kabiyak ni KC.

“Alam mo, ang akin ganito lang, hindi mabibili ang kaligayahan ng anak ko. Kahit anong magpapaligaya sa anak ko, basta mahal siya, inaalagaan siya, mamahalin ko na parang tunay na anak. Napakasuwerte ng magiging manugang ko.”

“Sabi niya, ‘Mommy, hindi na ako nakapagsabi kasi… she’s a very busy girl and I’m a very busy mo-mmy. But I always know na they’re we’re going out. I’m always telling the truth na sinabi ko na matagal na silang nagkikita, pero I really don’t know. Two years na, ‘di ba? Two years silang lumalabas, pero hindi talaga niya boyfriend.”

Sinabi ni Piolo sa kanyang interview na two years niyang niligawan si KC at kailan lang siya sinagot nito.

“Nakakatuwa naman si PJ. I think they both have their own share of relationship. This time, it was a conscious decision on both their part. Take it slow. Para walang sakit kung sakaling hindi magkasundo. I’m behind them 100 percent,” pagtatapos ng Megastar.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

5 thoughts on ““NAPAKASUWERTE NG MAGIGING MANUGANG KO!” -SHARON CUNETA

  1. tamaaa,…bagay naman tlaga sina pj at kc,parehas maayos na tao,role mode,mabuting puos at may dyos pareho,,so,,tym will come,in gods tym na sana sila na,,mahirap lan tlaga kase parehas silang sikata t nasa showbiz so ang tao pupunahin sila,pupukulin,tama din si sharon,na madaming nega jan na kunga no yung bitter nila sa buhay gusto mangyari din sa kapwa nila,kaya nga we have the ryts to choose frens wag yung mga nega diba,,we need gud influence na asawa at frens diba,,mahirap na!.we love pj,kase sa tagal ng panahon,ni reveal nya at tlaga namang kaproud proud na babae si kc,.kase shes smart,edukada,role mode,pretty at mabait,,diba,,so,,maipagmamalaki mo tlaga,,ganun din kay piolo,,,parehas pang nasa dyos,,,importante iyon,,

    kung iisipin mo ang batikos ng mga walang crdiblidad na sina CRISTY FERMIN,ALFIE LORENZO,LOLIT SOLIS,na virus o anay sa showbiz mga matatandang walang alam na unproffesional pa na reportes,,e,,,masisiraan ka ng bait,,kahit pa sanang bisex o gay si pj e,nasa dyos si pj,hes reading a bible,natural ang taong may dyos,yung spirit ni god tlagang dadaloy sa pagkatao nya,mayroon syang focus at alam nya yung tama,,,ano ang tama?nasa ang gay ay sa babae pa din,,ok,,we love pj even more kase hes so smart at ganda ng interview ni charlene na iyon,,well,bata pa si kc to get married,,saka na yan,,saka na,,baka madapa lang sila,,ok lang mainlove naman basta may limitasyon,,lagi!

    about kay sharon-..sana di nalang pinatulan ni sharon si hayden kase tuloy binabatikos sya about decency,,wahahahh..na di daw applicabe na sabihin nya iyon kase bka parehas lang sila ni hayden,,,dahil sa past ni sharon,,,wahahahah,,,sana pinatunayan na lang nya sa tao na payat na sya at papayat pa,,,dahil gagawin na ba nila yung movie nila ni RICHARD GOMEZ AT KRISTIN HERMOSA-SOTTO soon,,sana diba,,

  2. I'm happy that Piolo finally reveal the real score between them Piolo and Kristina congrats for both of you continue love each other and hold on to that relationship that you have a lot of people love you and always support you no matter what "If God is with you who can be against you" love conquers all and thanks to ate Shawie for your full support and acceptance to their relationship i'm looking forward to see them walk in the aisle i'm happy for you guys keep up the good work andito lang kami nagmamahal sa inyo . GOD BLESS.

  3. Pingback: Tweets that mention “NAPAKASUWERTE NG MAGIGING MANUGANG KO!” -SHARON CUNETA | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.