NAPAKASAMA talaga ng ugali ng dalawang nega star mula sa isang big TV network. Biruin ba namang one day before the storycon at pictorial ng isang afternoon drama na dapat ay pagsasamahan nila ng isa pang young actor, pinatanggal nila ang huli sa nasabing show.

NAPAKASAMA talaga ng ugali ng dalawang nega star mula sa isang big TV network. Biruin ba namang one day before the storycon at pictorial ng isang afternoon drama na dapat ay pagsasamahan nila ng isa pang young actor, pinatanggal nila ang huli sa nasabing show.

Panakot ng dalawang insekyuradang young stars, hindi raw sila sisipot sa storycon at pictorial ‘pag kasama roon si young actor. Kaya ang ending, dahil dalawa sila kontra sa nag-iisang young actor, ang kawawang young actor ang na-out sa show.

Hindi lang pala isang beses, kundi dalawang beses na palang ginagawa ng dalawang young stars ang bagay na ito sa young actor. Ang una ay nang magkaroon ng regional show sa isang pro-binsiya na dapat ay kasama si young actor, na nang malaman ng dalawang young stars, pinatanggal ang clueless na bagets actor.

Ang nakapagtataka, gaano ba kalakas ang dalawang ito at kayang-kaya nilang magpatanggal ng kapwa artista sa show? Tanong lang!

Kung sa bagay, karma-karma lang ‘yan. Anu’t ano pa man, darating din naman ang karma ng mga ito at bubuwelta rin sa kanila ang hindi magandang pinaggagawa nila sa kanilang kapwa! Hindi pa man nagsisimula ang show, negang-nega na dahil sa dalawang young starlet na maitim ang budhi!

(John Fontanilla)

Previous articleBUKOD SA IPINAGDARASAL naming isang tinitingalang artista na sana ay humaba pa ang buhay, nakarating sa aming kaalaman na ang isang beteranong artista rin ay nasa “ora de peligro” na rin.
Next articleKINSA SIYA? NAKAKATUWA ang kuwentong ito dahil may kinalaman ito sa pagtigas ng nota ng isang gay TV host habang nagti-taping.

No posts to display