Napakasama ng ugali: 2 young star, pinatanggal ang isa pang young star sa show!

BLIND ITEM: NAPAKASAMA talaga ng ugali ng dalawang nega star mula sa isang big TV network. Biruin ba namang one day before the storycon at pictorial ng isang afternoon drama na dapat ay pagsasamahan nila ng isa pang young actor, pinatanggal nila ang huli sa nasabing show.

Panakot ng dalawang insekyuradang young stars, hindi raw sila sisipot sa storycon at pictorial ‘pag kasama roon si young actor. Kaya ang ending, dahil dalawa sila kontra sa nag-iisang young actor, ang kawawang young actor ang na-out sa show.

Hindi lang pala isang beses, kundi dalawang beses na palang ginagawa ng dalawang young stars ang bagay na ito sa young actor. Ang una ay nang magkaroon ng regional show sa isang pro-binsiya na dapat ay kasama si young actor, na nang malaman ng dalawang young stars, pinatanggal ang clueless na bagets actor.

Ang nakapagtataka, gaano ba kalakas ang dalawang ito at kayang-kaya nilang magpatanggal ng kapwa artista sa show? Tanong lang!

Kung sa bagay, karma-karma lang ‘yan. Anu’t ano pa man, darating din naman ang karma ng mga ito at bubuwelta rin sa kanila ang hindi magandang pinaggagawa nila sa kanilang kapwa! Hindi pa man nagsisimula ang show, negang-nega na dahil sa dalawang young starlet na maitim ang budhi!

BONGGA TALAGA SI Shalala, dahil pagkatapos nitong  magkaroon  ng  2005  Maroon Toyota Innova, isang house and lot naman ang balak nitong bilhin. Gusto raw kasi ni Shalala na magkaroon ng sariling house and lot sa isang subdivision, kaya naman daw kuntodo work siya at walang tinatanggihang projects para matupad ang kanyang pangarap na magkaroon ng bahay.

Hindi naman daw ito nagha-hangad ng mala-palasyong bahay, okey lang daw para sa kanya ang isang bahay na medyo may kalakihan at may kani-kaniya silang kuwarto ng kanyang pamilya.

Sa ngayon daw, may nakita na itong bahay, at nag-iipon na lang para meron na siyang pang-down. Bukod sa araw-araw itong napapanood sa Juicy, semi-regular din ito sa Talentadong Pinoy at nakatakda na itong magsimulang magkaroon ng sariling radio show sa Radyo5 simula Feb. 21. ‘Yun na!

WALA RAW PROBLEMA para kay Paolo Ballesteros, kung sakaling magkasunud-sunod ang bading role na ibinibigay sa kanya ng GMA-7. Basta ang mahalaga raw sa kanya, may pro-ject, kaysa naman daw wala at nakatengga lang.

Hindi nga raw ito nagdalawang-isip nang ialok sa kanya ang role na gay performer na si Vodka sa I Heart You Pare, na siyang kontrabida ni Tonya o Tonette na ginagampanan ni Regine Velasquez-Alcasid. Isa nga raw malaking karangalan ang makatrabaho niya ang Asia’s Songbird. Kung saan may mga eksena raw na binabatuk-batukan siya si Regine, na kung minsan daw ay hiyang-hiya siyang gawin, at ang Songbird pa ang nagsasabi sa kanyang okey lang na batukan siya nito, dahil kaila-ngan daw sa show.

Marami ngang nagulat sa sobrang ganda ni Paolo na nakasuot pambabae habang kumakanta at sumasayaw, kasama ng ibang gay performer. Kung naging babae si Paolo, tiyak na marami itong patataubin sa GMA stars na babae, kung pagandahan lang ang pag-uusapan.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

7 thoughts on “Napakasama ng ugali: 2 young star, pinatanggal ang isa pang young star sa show!

  1. PUTANG INA MO!!! KE KAPAL NG MUKA MO CRAAN SILA JOSHUA AT BARBIE… WALA KANG KWENTANG WRITER KA… INGGIT KA LANG AT MALAKI ANG KINIKITA NILA KESA SAU.. ALA K KC PANUSTOS SA MGA LALAKI MO.. GAOGO SIRA ULO.. TANG INA MO…

  2. si joshua at barbie na naman ata to…pero in fairness,hindi halata sa hitsura nila…well,ill give them the benefit of the doubt…trulili,ang ganda ni paola este paolo mag geisha,convincing! Hahaha…but i think he's bisexual…

Leave a Reply

Your email address will not be published.