Napakabata Pa Nila Para Manigarilyo, ‘No!

MGA, KAPARAZZI, NAKAKAWINDANG na blind item ito! Dapat maging alisto kayo sa paghula kung sino ang ating pag-uusapan, okay?

Heto na at sisimulan ko na! Sino ang dalawang male young actors na ito na kitang-kita ng mga Paparazzi gels na more tago sa likod ng isang coffee shop at nagsisigarilyo?

Yes, more yosi, more fun ang dalawa at may matching patingin-tingin pa sa paligid kung may nakakakita sa kanilang ginagawa na wari’y mga lookout sa kabulastugang ginagawa.

Hindi ko hinuhusgahan ang dalawang aktor na ito at wala rin akong kiber sa pagyoyosi nila dahil wala namang magandang naidudulot ‘yan sa akin! ngunit sa aking pagkakaalam, hindi sila dapat makita ng madla na nagyoyosi para naman hindi maisulat.

Subalit nakita sila at hindi sila nakatakas sa mata ng mga Paparazzi Gels namin, kung mapapanood n’yo sila sa TV, hindi mo malalamang malakas pala magyosi ang dalawa,

Clue: Ang isang male young star na ito ay napanood sa katatapos lamang na serye. Bago siya nagsimula bilang ka-loveteam ng baguhan ding actress ay kasali siya sa isang grupo ng mga young star na kumakanta at sumasayaw na mga naggaguwapuhang mga young stars din. Ang isa naman ay isang batang hiphop R&B rapper. ‘Yun na!

(By Tita Swarding)

loading...

6 thoughts on “Napakabata Pa Nila Para Manigarilyo, ‘No!

  1. aljur abrenica at elmo magalona (batang hiphop R&B rapper) ?

    katatapos na serye-Machete

    baguhang aktres- Bela Padilla

Leave a Reply

Your email address will not be published.