Napaka-unprofessional daw
Diether Ocampo, sakit sa ulo ng mga kasamahan sa teleserye!

“ANAK, KAMUKHA mo si Chichay!”

‘Yan ang dayalog namin kay Alex Gonzaga nu’ng bumeso sa amin habang katabi namin si Vhong Navarro sa set ng Todamax kung saan guest din si Alex that time.

“Sino po si Chichay?” na-curious naman si Alex.

“Siya ‘yung artista nu’ng 60s, 70s, 80s na napakahusay na komedyante. Nakakatawa siya. Ikaw ang batang Chichay. No offense meant, ha?”

“Ay, okay lang po ‘yon. Magaling naman pala, eh!”

 

KUNG HINDI magbabago ng pag-uugali itong si Diether Ocampo sa kanyang mga katrabaho at pagtatrabaho ay baka maging last teleserye na niya ang Apoy Sa Dagat.

Hindi na namin idedetalye ang aming mga nalalaman, dahil alam naming ang pagka-unprofessional ni Diether ay “tinitiis” na lang ng production staff.

Pero sabi ng aming source, “Sobrang layo sa kanya ni Piolo Pascual. Napakabait na tao ni Papapi, professional at may pakialam sa maliliit na tao at very generous pa, kaya gustung-gusto siya ng staff!”

Eh, si Diet?

“Ay, juice ko, Ogie. Pangaralan mo. Sabihin mo sa kanya, sana naman, ‘pag ipinatawag na sa set para kunan na ang eksena eh, ‘wag na kamo niyang paghintayin ang mga artista. Antagal-tagal niya sa dressing room niya para mag-ayos eh, talo pa siya ng mga babae sa bilis kumilos.

“Saka sana naman, isinasapuso niya ang mga linya niya para hindi inaabot ng isang oras o higit pa ang bawat take, dahil lagi siyang nagkakamali ng bitaw o ng facial reaction o ng blocking. Nakakalokah siya, kaya hindi natatapos ang lahat ng eksena, dahil siya rin ang kumakain ng oras.”

Nakakalungkot, ano po? Sayang, ang ganda pa naman ng rehistro sa kamera ni Diether. Ang guwapo niya sa screen at kung pagbabatayan ang napapanood namin sa Apoy Sa Dagat, eh medyo humusay naman siya sa pag-arte, in fairness.

Kaso nga, nababalewala ang kaguwapuhan, ang talento, kung napaka-inconsiderate mong tao. ‘Yung wala kang pakialam sa oras at damdamin ng mga taong pinaghihintay mo sa set.

Sayang. Andiyan ka na. Napapansin ka uli. Hahayaan mo bang mawala ito sa ‘yo?

Isip-isip din ‘pag me time.

 

‘YUNG ALAM naming consistent na nasa top ng survey at alam naman naming sila rin ang magta-top sa ending ay hindi na namin iboboto, dahil baka ‘yung mga “minamanok” namin ay hindi makapasok.

Hahaha!

Anyway, sana nga ay mapagbigyang makapaglingkod sa taumbayan sina Sonny Angara, Grace Poe, Cynthia Villar, Edward Hagedorn, Bro. Eddie Villanueva, Teddy Casino, Risa Hontiveros at makabalik din sa Senado sina Ramon Magsaysay, Jr. at Dick Gordon.

Iboboto din namin si Bam Aquino, pero nakakatakot ‘yung pangako niyang “Sisiguraduhin kong ang bawat pamilya ay may trabaho at negosyo!” dahil nakakatakot na pangako ‘yon. Lalo na’t sisiguraduhin mo pa.

The rest, pag-iisipan pa namin. O baka me nakalimutan lang kami. Hehehe!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

13 thoughts on “Napaka-unprofessional daw
Diether Ocampo, sakit sa ulo ng mga kasamahan sa teleserye!

  1. sus..ano namn ang kinagaling ni Diether Ocampo..noon pa man naglalagay lang ng EYE-MO (me brand pa ha) sa mata yan!sus…walang kwentang artista!..itapat mo nga si Smokey Manaloto dyan eh paa lang sya ni Smokey sa actingan!gwapo at makinis nga lang, pero anong karapatan nya sa showbiz?wala kc wala namn syang talent!baka meron syang fafang bakla sa ABS!

  2. kwento ni cristty my away nga daw sa set ng ASD ngaun cna AP at diett kc nga bwisit na bwisit nadaw c  AP k diet sa pagiging unfrofessional at hirap na hirap mgmemorise ng lines kya paulit-ulit ang take…..biro panga nina cristy dpat uminon naza ng memory plus na gatas at mgtake ng pills pampagana ng brain…my ngyari padaw na napasugod duon c jlc kc my ginawa daw ata c diet k AP  na nasakatan c AP…at ngaun daw pg mgkasama sa eksena cna AP at diet emy double ang isat sa knila dhil ayaw nanga daw mgkasama ng 2 sa eksena….ginagawan nlng daw ng paraan ng direktor….napansin konga kgbi ung scene nila prang my double c diet na mgkaharap kunwari cla…

  3. may fans paba si dieter ocampo hehehe kaya lang naman nabibigyan ng project yan malamang pahada pa din sa baklang exec ng abs kaya yan tapang ng apog magpa importante

  4. ANO BA ITONG SI DIETHER? KUNG KELAN TUMANDA, GUMWAPO NAMAN LALO AT NAGING MAS KATAKAM-TAKAM, PERO NAGING UNPROFESSIONAL DIN. PATI PAG-ARTE NYA, NAG-DETERIORATE DIN. ANG HUSAY NYA NA NOON AT NANOMINATE NA SYA FOR LA VIDA ROSA NILA NI OSANG. WALA NAMAN SYANG MASYADONG PROJECTS, SO ANONG PINAGKAKAABALAHAN NYA PARA MAGING UNPROFESSIONAL. PATI YUNG KANYANG FOUNDATION, MAY MGA UMANGAL PA NA HINDI RAW SILA NASU-SWELDUHAN. NAG-TWEET TULOY SI ANGELICA AGAINST SA KANYA. HAHAHA. EH REYNA NG KAJOLOGAN YUN. PERO IN FERNEZ, PROFESSIONAL SYA.

    AT SI ALEX, WELL, MAGALING TLG ANG HITAD SA COMEDY. KITANG KITA YAN SA JUICY NOON SA TV5. RIOT SILA NINA SHALALA AT IC MENDOZA. PATI SA DRAMA, MAY IBUBUGA NAMAN. LET’S SEE KUNG ANU-ANONG MGA PROJECTS NYA SA ABS-CBN.

  5. Talagang may itinatagong galit itong si Ogie. Sorry Ogie pero magmula nuong kumalas sa iyo si Vice, lahat ng kaibigan niya,, galit ka. Kris, Toni at ngayon naman si Alex na walang kaalam alam. Saka ang write up mo tungkol kay Diether, hindi kaya dahil sa tweet ni Angelica ang pinanggalingan ng idea mo. Ilang beses na naming napansin na mukhang recycled ang news mo. Wala ka bang oras mag research ng sarili mong scoop ? Bakit naman, eh wala ka ngang maraming projects. Kakahiya ka. And by the way, watch out for Chocolate. Baka maunahan ka pa niya . Looks like he’s more busy nowadays than you.

    • Korak ka dyan! ANG KAPAL NG MUKA MONG SABIHIN KAY ALEX NA KAMUKA NI CHICHAY?? BUNGAL BA YONG TAO TSAKA IN FERNESS PRETTY SI ALEX. IKAW OGIE PAAYOS MO PUSTISO MO KUNG ME BUDGET KA NA HA AT PATI NA RIN ANG MALA ORANG.UTANG MONG PAGMUMUKA BWAHAHAHAHA!! Perfect kayo ni Lucifermin noh? Pity you. Lowest form of virus around showbiz.  THAT.S YOU GAAYYY AND MUKANG GAAAYYY ;)

      • I still love Diet!numero uno nga sa pagka down to earth.Ang nangyari sa set ay accident yon.di naman siguro galit si Diet kay Angelica para sadyain. itong si JLC ay over ang acting.parang walang pinag-aralan kung maka asta.pwedi nya namang kausapin ng tama si Diet.hwag yun hamunin ng suntok. di porke’t box office king sya pwedi nyang gawin ang gusto nito.Buti nalang di sya pinatulan ni Diet kay tiyak basag ang mukha nya.

      • may nangyari na kasing sa ruby na medyo sumosobra sa eksena si diet dahil cgro nadadala sa eksena. ang gnwa ni jlc ay dahil nasaktan ang gf sa binatong vase, mahal ang gf kya ganun ang mgaging reaction nya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.