Napaiyak dahil siya ang huling nakaalam Shalani Soledad, tsinugi na ni Willie Revillame sa show!

NAGBABALIK SI Joseph Bitangcol sa showbiz matapos ang halos malagim na aksidente, pero mukhang ang una niyang dapat muling matutuhan ay ang pagiging professional.

Nabalitaan naming super imbiyerna si Direk Mac Alejandre nang dumating itong three hours late sa taping ng soap opera sa Singko.

Alas-singko ng umaga ang call time ni Joseph pero umapir na lang ito sa location sa Marikina ng 8:30 a.m. Natural, galit na galit si Direk Mac dahil sa pagiging late ng young actor.

Kung seryoso si Joseph sa kanyang showbiz comeback, aba matuto muna siyang magpakapropesyunal, ‘no!

KAWAWANG SHALANI Soledad, natsugi ang beauty sa show ni Papi.

Balitang napaiyak si Shalani when she learned that the show no longer wants her to be one of its female co-hosts. Clearly, she did not see it coming.

And what’s devastating pa is that she seems to be the last one to know about her fate. Nakaka-sad na malaman na wala man lang siyang inkling or clue na hindi na siya pababalikin sa show matapos ang honeymoon nila ni Rep. Roman Romulo.

Hindi namin napanood ang huling episode niya sa show ni Willie Revillame, pero ang nakarating sa aming balita ay in-announce pa niya sa ere na siya ay magbabalik after the honeymoon.

Of course, malaki ang kinalaman ni Willie sa pagkakatsugi ni Shalani sa show. Siya ang may final say sa kanyang show, ‘no! Entonces, siya ang masusunod kung sino ang dapat manatili o matsugi sa kanyang show, de bah, Lara Quigaman?

Hindi kaya na-realize ni Shalani na kaya kinuha ni Willie si Camille Villar bilang co-host niya kahit na wala itong talent sa pagho-host ay dahil ito ang ipinalit sa kanya?

SOLD OUT nga yata ang Rogue magazine where KC Concepcion was featured in a various sexy poses done in a very tasteful way.

Ang tsismis na nakarating sa amin, may bumili raw nang bulto kaya nawala na sa mga news and magazine stands ang nasabing magazine.

Maging si Lea Salonga ang wala nang nabili at wala na rin siyang makitang copy anywhere.

“Oh my goodness, cannot find a copy of Rogue with@kc_concepcion on the cover. Sold out everywhere!!! Congrats, Kachuchai!!!,” tweet ni Lea kamakailan.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleMga boss ng Dos, deadma Claudine Barretto, gustong bumalik sa Kapamilya?!
Next article12-anyos na anak ng TV personality, nabuntis at nanganak?!

No posts to display