Napagtripan ni PO2!

0905840xxxx – Idol, isang concerned citizen po ako na gustong ireklamo itong isang pulis dito sa Taytay, Rizal na masyadong abusado. Lagi na lang pong nanunutok ng baril kapag nalalasing itong pulis na ito. Dati po, ay may ipinabugbog itong si PO2 Gatubig sa kanyang mga kainuman, kapag may gustong umawat ay hinahataw niya ng baril o kaya ay tinututukan. Noong July 2, Sabado, apat na kabataan ang napagtripan ni PO2, pinagpupukpok ng baril sa ulo ang isang pobreng bata na pilay. Kinursunada naman ng apat na pulis na kasama niya ang apat na kabataan at pinagbubugbog. Napakakapal ng mukha ng pulis na ito, Idol. Sana ay maaksyunan mo ang aking sumbong. Salamat po.

 

0923208xxxx – Sir Raffy, gusto ko pong ireklamo si SPO Gerry Callejas ng Angeles City dahil sa pagpapaputok ng baril, pambabato sa bubong at pananadyak ng pinto ng bahay ng kapatid ko. Nagbanta rin po siyang papatayin niya ang aking kapatid. Lasing na lasing ang pulis nang mangyari ang insidente.

 

0905777xxxx – Mr. Tulfo, sana po ay maimbestigahan ninyo ang city government ng San Jose Del Monte, Bulacan dahil may department head po rito na dalawa ang hawak na opisina. Itong nasabing department head ay sa bahay nag-oopisina, lahat ng mga importanteng gamit sa office ay dinadala niya sa bahay niya. Marami itong kaanomalyahang ginagawa partikular na sa unang departamentong hawak niya.

 

0999679xxxx – Sir Raffy, isusumbong ko lang po iyong isang pulis na kinuha po ang lisensiya ko na wala namang paniket. Naka-shorts at tsinelas lang ang nagpakilalang pulis kaya hindi ko ibinigay sa kanya ang lisensiya ko. Ang ginawa po niya ay kinuha po ang susi ng motor ko at i-binigay sa sakay ng mobile car, ngunit mga wala ring paniket ang mga pulis na sakay ng mobile car at pinasunod ako sa presinto. Nangyari po ito sa Trece Martires, Cavite. Sana po ay matulungan ninyo ako.

 

0929299xxxx – Sir, pakiparating naman po sa mga pulis ng Subic na may taong nagngangalang Teodoro Agoyaoy, Jr. ng barangay Manggahan, Subic, Zambales na palaging nagpapaputok ng baril kapag lasing. Natatakot na ang kanyang mga kapitbahay ngunit mga walang magawa. Napakayabang kasi nito dahil kapatid daw siya ng barangay captain.

 

0927796xxxx – Sir Raffy, pakikalampag naman po ang mga kinauukulan dito sa Taguig. Sana po ay maaksyunan nila ang sira-sirang kalsada ng C-6. Bagong bukas pa lamang po sa publiko ang nasabing kalsada pero sira-sira na kaagad. Papanagutin sana ang mga dapat managot at ipaayos ang kalsada sa lalong madaling panahon. Salamat po at more power sa inyo.

 

0929629xxxx – Idol Raffy, hihingi po sana kami ng tulong dito sa Sitio Polo, Barangay Munting Dilaw, Antipolo City. Dalawa na po kasi ang namatay sa Dengue rito, apat ang nakaospital. Wala man lang pong aksyon ang barangay namin sa pangyayari, baka gusto nilang antayin na dumami pa muna ang magka-Dengue bago sila kumilos. Sana po ay matulungan ninyo kami.

 

Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00–4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa channel 41.

Para sa inyong mga sumbong mag-text sa 0917-7-WAN-TED o sa 0908-87-TULFO.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.