Napagkamalang Informer ng Pulis: Bading, Tinodas sa Inuman

PATAY ANG isang 38-anyos na bading na sinasabing napagkamalang police informer laban sa mga tulak ng iligal na droga sa Tondo, Maynila, kamakailan.

Kinilala ni SPO1 John Charles Duran ng MPD-Ho­micide Section ang biktimang si Gilbert Sison, alyas “Ashley­”, ng Int. 15 Ma. Guizon St., Tondo, Maynila na nagtamo ng dalawang tama ng kalibre .45  baril sa ulo na ag­ad na binawian ng buhay.

Naganap umano ang naturang insidente dakong alas-2:50 ng madaling-araw habang na­kikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa nasabing  lugar.

Ayon sa isang Christopher Rivera, kaibigan ng biktima, dumating ang lalaking may dalang baril habang nag-iinuman sila sa riles ng Philippine National Railways (PNR) at agad daw pinapu­tukan ang biktima kaya sila nagkanya-kanya ng takbuhan.

Lumalabas sa nakarating na im­pormasyon sa mga awtoridad, posible umanong napagkamalan ang biktima na nagbibi­gay ng impormasyon kaug­nay sa talamak na bentahan ng droga sa lugar na naging dahilan para madakip ang hinihinalang nagtutulak ng droga sa bahagi ng Dagupan, sa Tondo.

Samantala, patuloy pa ring iniimbestigahan ang nasabig insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.