Napagkamalang Carnapper; Estudyante, Binoga ng Parak

PATAY ANG isang estudyante na SK kagawad matapos barilin ng pulis makaraang mapagkamalan na carnapper sa Sarangani province.

Kinilala ang nasabing biktima na si Randy Quirante, 18, isang criminology student na taga-Spring Alabel, Sarangani.

Base sa pagsisiyasat,  pasado alas-10:00 ng gabi nang pauwi na ang biktima sakay ng motorsiklo mula sa Ramon Magsaysay College kasama ang nagngangalang Johnrey Lapos na nakamotorsiklo rin ay pinara ng mga pulis nang makarating ng Brgy. Buayan.

Ngunit hindi umano huminto si Quirante kaya’t binaril ni PO2 Arnold Sua.

Natamaan sa likod ang biktima na tumagos hanggang dibdib na naging dahilan ng pagkamasawi nito.

Sinasabing nahulog pa ang biktima mula sa motorsiklo na minamaneho ng kasama nito patungo ng ospital kaya tinulungan pa ng mga pulis.

Una rito, isang nag-ngangalang Karen Nantisa ang nag-ulat sa Lagao PNP na kinarnap ang kanyang motorsiklo.

Dito na nagpatrolya ang apat na pulis kabi-lang si Sua bilang kani-lang team leader.

Nang makita ng mga ito ang motorsiklo ng biktima ay napagkamalan umano na carnapper ang mga sakay matapos hindi huminto nang parahin ng mga kinauukulan.

Samantala, patuloy pa ang pagsisiyasat sa insidente laban sa isinasangkot na pulis.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.