Napagkamalang bading; bebot, ginulpi ng senglot

BINUGBOG ANG isang babaeng estudyante ng isang lalaking lasing matapos itong mapagkamalang bading sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan.

Base sa reklamo ng biktima, nag-aabang lamang ito ng masasakyan pauwi sa kanilang bahay nang lapitan ito ng suspek na si Aerol Santiago at siya ay binastos.

Hinamon ng salarin ang biktima na patunayan sa kanya na isa itong babae sa pamamagitan ng paghuhubad.

Nang tumanggi ang dalaga ay doon na ito binugbog ng salarin na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan at namaga ang mukha nang sapakin ito ng limang beses.

Samantala, nakakulong na ang suspek na labis naman ang pagsisisi sa kanyang ginawang pananakit sa biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.