NAPA-HA?! DAW KAMI sa ibinulong sa amin ng isang bubuwit.

NAPA-HA?! DAW KAMI sa ibinulong sa amin ng isang bubuwit. Isang male singer daw ang na-Julie Yap Daza na nakikipaglaplapan sa kapwa niya lalaki. Isang PA o production assistant ang ‘di sinasadyang nakakita sa itinatagong lihim nitong si male singer.

Ang siste, may isang show sa isang malayong probinsiya, kung saan na-invite mag-perform si male singer kasama ang iba pang accoustic groups. Hindi pa nakasalang ang session ni male singer sa nasabing show kaya raw nasa dressing room muna ito sa backstage. Eh, biglang enter the dragon ang isang PA… ‘yun na! Caught in the act si male singer at ang isa pang male sa kanilang torrid kissing!

Ano pa, eh ‘di napa-excuse na lang ang PA, at dedmang tumigil lang ang dalawang lalaking naglalaplapan na patay-malisya sa biglang pagpasok ng mahaderang eksenadora na PA. Hindi PA ni male singer ang nabanggit na PA, kundi sa isa pang accoustic group. At ‘yung lalaking kalaplapan ni male singer, hindi masabi nu’ng PA kung kasama ba ‘yun ni male singer o kung miyembro ng ibang accoustic group.

Naku, itong si male singer, hindi mo naman pagdududahang kulay-berde rin ang dugo.  Kailan  lang kasi  ay naging kontrobersyal ang pakikipaghiwalay niya sa kanyang girlfriend, at walang isyung lumalabas sa kanya na kinukuwestiyon kung amoy matris din ba ito. Clue? Dyosme! ‘And’yan nang  lahat!

(Danilo Jaime Flores)

loading...

3 thoughts on “NAPA-HA?! DAW KAMI sa ibinulong sa amin ng isang bubuwit.

Leave a Reply

Your email address will not be published.