Napa-Aga ang pagbabati

ANONG MERON SA birthday nitong si Aga Muhlach at hindi lang siya ang umuwi nang nakangiti? Kasi naman, ‘noh, nagmistulang reconciliation of the stars ang nasabing birthday bash dahil maraming mga celebrity na may isyu sa isa’t isa ang nagkaayos. Sinadya ba talaga ‘yan?

Alam naman nating lahat na sa showbiz, madalang ang relasyon na nagtatagal. Away-bati kasi ang mga taartits. Eh, sa liit ba naman ng mundo ng entertainment scene, hindi maiiwasan na magkrus ang kanilang mga landas. ‘Yan nga ang nangyari sa kaarawan ng orig na bagets. Dapat nga naman na ayusin na nila ang kanilang gusot para hindi na sila maloka sakaling makita nila ang kapwa artista na nakasamaan nila ng loob. Oh, ‘di ba, everybody happy. Walang umuwi nang luhaan.

Photos by Fernan Sucalit, Mark Atienza, Luz Candaba, and Parazzi Wires

By Rochelle Marie Sarsosa

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.