Nanutok ng 2 kabataang sumilong sa dyip Retiradong Pulis, Kalaboso

KULONG AT nahaharap ngayon sa kasong Attempted Homicide ang isang retiradong pulis makaraang manutok ng baril sa dalawang kabataan na sumilong sa sasakyan nitong owner-type jeep sa Brgy. Muzon, San Jose del Monte City.

Sa ulat na ipinadala ni  P/Supt. Raniel Valones kay Bulacan Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang suspek na si Ret. Sr. Inspector Arnulfo Malaluan Y Diemzo, 59 anyos, tubong-Camarines Norte, residente ng Sitio Gulod, Brgy. Bulak, Sta. Maria, Bulacan. Samantala, ang mga biktima naman ay nakilalang sina Ken Abdrich, 19; at Emly Pajalin, 18, kapwa residente ng Pabahay 2000, Brgy. Muzon.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni PO2 Beranshid Mansul, dakong alas-11:40 ng gabi nang maganap ang insidente.

Nabatid na bumuhos umano ang malakas na ulan kaya sumilong sa nakaparadang owner-type jeep ng suspek ang mga biktima, kung saan bigla na lamang silang tinutukan ng cal. 45 na baril ng suspek nang walang dahilan.

Dahil sa pangyayari, agad na humingi ng paumanhin ang mga biktima sa retiradong pulis, subalit hindi umano ito pinansin, sa halip nagtaas pa ito ng boses.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.