Nanuksong uhugin, tinarakan ng klasmeyt

MALUBHANG NASUGATAN ANG estudyante matapos saksakin nang tuksuhin uhugin ang kaklase sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng saksak sa katawan si Raniel Ogalinol, 18 ng Bagong Silang, San Jose ng lungsod.

Pinaghahanap naman ang menor na itinago sa pangalang Jomar, kaklase ng biktima at siyam na hindi pa kilalang barkada ng una.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang abangan at saksakin ang biktima malapit sa pinapasukang San Roque National High School sa Gov. Pascual Ave, San Roque ng lungsod.

Nabatid na bago ang insidente ay tinukso ng biktima si Jomar na uhugin sa loob ng nasabing eskuwelahan.

Nagtanim ng galit si Jomar at inabangan, kasama ang mga kabarkada, ang biktima sa labasan at nang dumaan si Oga-linol ay isa sa mga suspek ang sumaksak.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa nasabing pagamutan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.